Linggo, Pebrero 19, 2017

Photo Essay

Ito ang Pagbilao West Elementary School. Dito nagtatrabaho si Ginoong Antonio.



Pero hindi bilang isang guro. Siya ang janitor ng naturang paaralan. 



Meron siyang mga baka at siya ang nag-aalaga sa mga ito.


Pagkatapos naman niyang magtrabaho sa pagiging janitor sa paaralan, pumapasada paminsan minsan siya para pandagdag kita na din.
 

Ngayong araw na ito naman, pupunta siya sa Pajo para asikasuhin ang ipinagkatiwala sa kanilang lupain.


Kasama niya ang kanyang asawa na si Ginang Evelyn.



Ito ang kanyang ginawa sa kanilang pagpunta sa Pajo. Siya ang nag-aasikaso sa mga aning buko ng lupaing na ipinagkatiwala sa kanila.



Pagkatapos naman ng pagpunta nila sa Pajo, trabaho pa rin ang inasikaso niya. May tindahan kasi sila at ngayon naman ay nag-aayos siya ng bulaklak na ipantitinda para sa Valentine's Day.


Pagkatapos noon, nagrepak naman siya ng mani na ipatitinda niya sa canteen ng paaralang pinagtatrabahuhan niya.


Siya si Antonio Elfa, siya ang tatay ko.

Miyerkules, Pebrero 8, 2017

Pilipinong Bumbay

Image result for dj bumbay

Pilipinong Bumbay

                Noong una, wala akong ideya yung sino nga ba ang akong kakapanayamin lalo na't kelangan ko ay 'yung para bang kakaiba ang trabaho. Napakamot tuloy ako sa ulo. Nagmuni-muni muna ako matapos kong makauwi ng bahay galing sa school. Nasa isip ko pa rin kung ang kakapanayamin ko ba ay papayag. Pero bago iyon, wala pa nga pala akong kilalang mai-interview. Umupo muna ako sa sofa, binuksan ang electric fan kasi banasin ako. Maya-maya, naamoy ko ang ulam na niluluto ni papa sa kusina. Bistek ang ulam namin kaya inunahan ko na kaagad ang kapatid ko sa pagkain kasi alam kong masiba yun sa karne, baka maubusan pa ako ng ulam. Si papa naman, biglang binuksan ang TV. Balita ang kanyang pinanood sa ABS-CBN. E di nakipanood na lang din ako.
                "5 6 sa Pilipinas, balak nang ipatigil ng gobyerno..." Biglang may pumutok na ideya sa isip ko ng makinig ang balitang iyon. Magandang ideya na interviewhin ang magpa- 5-6. Mabuti na lang at may kilala akong nagpa- 5-6. Bigla kong hiniram ang susi ng motor kay papa kasi pupuntahan ko 'yung kilala ko na magpa- 5-6.
                "Magandang gabi po." ani ko. May tindahan siya pero maliit lang. Bumili muna ako ng mani para naman mahikayat ko na ma-interview siya kahit bukas na ng umaga o hapon. Gabi na kasi noon.
                " Tita, pede ko po ba kayong matanong?" sabi ko nang may puno ng respeto sa pagsasalita kasi alam ko na may posibilidad na tanggihan niya ang interview na gagawin ko. "Wag po sana kayong ma-o-offend." kasunod na sabi ko
                Panatag naman ang mujha ng babaeng nagtitinda na pakay ko. "O sige utoy, ano ba iyon?"
                "Tungkol po sa pagpapautang ang itatanong ko kung mamarapatin n'yo lang po." Medyo kabado na ako ng mga oras na ito. May konting pagdadasal na sana naman ay pumayag ang babae na kakapanayamin ko kasi kahit ako, alam ko na mabigat ang gagawin ko na maaaring ikasama ng loob niya pero hindi ko akalain ang sasabihin niya sa paunlak ko "O sige, pero bukas na ha, magsasarado na kasi ng tindahan." nakangiti niyang wika sa akin. Ako naman ay tuwang tuwa kasi sa wakas, may maisusulat na ako sa CNF. Tinulungan ko sa pagliligpit ng gamit ang babaeng aking iinterviewhin bukas. Matapos niyon ay dumating ang kanyang kapatid para sunduin siya. "Nga 12 ka na lang pumunta utoy sa bahay kasi wala pa ako noong gagawin." sabi ng babae sabay alis niya.
                Kinabukasan, gumising ako nang maaga. Inihanda ko muna ang mga itatanong ko para naman hindi ako ma-mental block sa mga itatanong ko.
                Mga 12:05 na ako nang pumunta sa kanilang bahay. Naamoy ko na may niluluto ang babae, kaya nang makita ako nito ay pumasok na ako sa kanilang bahay. Kakain pa lang pala sila ng tanghalian ng kanyang nanay at ng kanyang pamangkin. Inaalok pa nga nila ako ng kanilang ulam na tulingan at hipon pero tinanggihan ko na lang iyo kasi nakakahiya ( kahit gusto kong makikain )
                Maingay silang kumain. Nagtatanong kasi sa babae ang kanyang nanay kung pede daw ba siyang kumain ng hipon. "Bawal nga nay! Allergy ka d'yan e." pasigaw na tono ng babae. Nagulat ako at bigla na lang akong dinapuan ng kaba dahil sa inasal ng babae. May pagkamataray pala talaga siya. Totoo nga 'yung mga nababalitaan ko sa kanya tungkol sa kanyang katarayan pero para sa CNF, lalakasan ko ang loob ko para interviewhin siya.
                "O utoy, hala na, magtanong ka habang iniimpis ko itong kinainan namin." panatag na wika niya s'akin. Mabuti na lang at medyo kumalma ang babae at naging panatag na ang boses niya kaya nawala ang takot ko.
                "E kumusta naman po kayo ngayon? Kumusta po ang are ninyo?"
                "Ayun, hindi maganda. Kulang kasi kami sa kwarta." pabirong sabi niya sa akin. Tinawanan ko na lang ang biro niya para magood-vibes naman siya. Maya-maya ay nagtanong na ako ulit. "Matanong ko lang po, ano po ba ang pinagkakaabalahan ninyo sa maghapon?"
                "Nako totoy, sa pamamalengke, pagluluto, pagtitinda at pag-aalaga kay nanay lang umiikot ang mundo ko. Wala nang bago sa pang-araw-araw ko."
                "Ano po ba ang inyong pinagkakakitaan?" sabi ko sa kanya.
                 "Ahh, ayun. Magtinda duon sa aking maliit na tindahan nga dun malapit sa Central ( school ) at magluto na din ng kakainin para dagdag kita. Alam mo na, mahirap ang buhay ngayon kaya kelangan kong magdoble-sikap lalo pa't ako lang ang gumagastos sa bahay, tapos tatlo pa kami dito." ani niya.
                “Hondi naman po ba kayo nahihirapan sa trabaho ninyo lalo na’t araw-araw n’yo poi tong ginagawa?” usisang tanong ko ulit.
                “Nasanay na naman ako. Kasi naman, simula bata pa lamang kami e marunong na kaming magbanat ng buto. Hindi na rin ‘to bago sakin.”
                Noong mga sandaling iyon ay namangha ako kasi hindi ko din naman alam ang kwento ng buhay ng babae. Ipinagpatuloy ko pa ang pagtatanong.
                “E kung papapiliin po ba kayo ng propesyon, ano po ba ang gusto ninyo?”
                Sandaling napaisip ang babae nang may pagtingin pa sa celing. “ Wala na. Basta, kahit ano. Kung saan may mapagkakakitaan, duon na lang ako. Medyo mahina kasi ang utak ko. Hindi na ako nagkolehiyo kaya hindi ko na rin inisip ‘yang mga propesyon-propesyon na yan.”
                “Pero balita ko naman po ay mayaman na kayo.” pabirong sabi ko.
                “Medyo lumagpas lang sa kaunti. Kelangan pa rin namang magtrabaho. Baka manhilahod kami kinabukasan pag nagpapetiks-petiks na lang ako. Sapat lang naman ang kinikita ko sa pang araw-araw.” sabi naman niya sa akin.
                Alam kong hinahambog lang ako neto pero kunawi ay naniniwala na lang ako. Sabi ko sa kanya, tapos na ang aking pagi-interview sa kanya. Kung mapapansin ay hindi ko man lang naisingit yung tungkol sa pagpa-5-6 niya kasi medyo nahiya na ako. Ok na sa’kin yung pagiging tinder niya pero bigla siyang may sinabi sa’kin.
                “Tapos nay yun? Akala ko ay tatanungin mo ako tungkol sa 5-6”
                Nagulat ako kasi siya na mismo ang nagpaunlak na buksan ang usaping iyon kaya tinanong ko muna siya kung ayos lang at sabi naman niya ay ako rin ang bahala kaya nagtanong na ulit ako pero ngayon naman, ang tanong ko ay magmumula na sa kanyang pagpapautang.
                “Kung ganon po, maaari kop o bang malaman kung ilang porsyento ang inyong ipinapatong kada utang?”
                Ang abi niya sa akin,:10% lang kaya hindi 5-6 ang tawag dun.”
                Sa isip ko naman, ganun na rin ‘yun. May patong pa din naman ah. Tsaka gaman namang 10% lang ang patong niya e yamaman nga daw siya dahil sa 5-6. Kunwari ay naniniwala ako sa kanyang sinasabi kahit na alam ko na malaki ang patubo niya sa utang para lang maigpatuloy ko pa ang pagi-interview sa kanya.
                “Magkano po ba ang pinakamalaking naipautang ninyo?” tanong ko.
                “₱100,000”
                Nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang halaga. Tama nga ako. Mukhang hindi lang 10% ang patong niya sa kanyang pautang. Isipin mo, saan siya kukuya ng ganon kalaking halaga ng perasa pagtitinda lang ng kakanin at sa munti niyang tindahan.Ang balita ko pa ay madami siyang hawak na taong pinapautang. Talagang yayaman nga siya.
                “Kung ganoon po, ano po ang tawag ninyo sa pagpapautang ninyo? Tulong o trabaho?”
                “Aba’y parehas lang. Trabaho na rin ‘yan sa’kin. Malaki rin ang naitutulong sa akin ng pagpapautang sa mga gastusin. Tsaka pagtulong din kasi 10% lang naman ang patong ko.” Sambit niya sa tanong ko. “tsaka sila din naman ang nalapit sakin e hindi ako kaya syempre, pinapautang ko na din.” dagdag pa niya.
                “Sino-sino po ba ang nangungutang sa inyo?” tanong ko ulit sa kanya.
                “Madami pero mga kakilala ko lang ang pinapautang ko. Mahirap na ang matakbuhan. Wala akong laban d’yan.” ani niya .
                “E may mga guro po bang nangungutang sa inyo? ( Kasi malapit lang ang tindahan niya sa Central na isang Elementary School tsaka kilala na siya sa kanyang pagpapautang )”
                “Oo pero dati lang iyon.”sabi niya sa akin na mukha namang nagsisinungaling kasi noong minsan, habang kumakain ako ng habhab sa may tindahan niya ay nakita ko ‘yung isang guro na may inabot sa kanyang isang libo. Bayad siguro sa utang kasi may notebook siyang pinaglistahan matapos magbayad ng guro.
                “Bale ilan po ang inyong pinagkakabuhayan?” sabi ko.
                “Tatlo nga.” Mahinahong sabi niya. “Yung sari-sari store ko, pagluluto ng kakanin tsaka ‘yung pagpapautang ko nga.”

                “Nako, maraming salamat po sa pagpapaunlak sa’kin. Tapos na po ako sa mga itatanong ko. Salamat po.” sabay umalis na rin ako kasi mukhang may gagawin pa siyang importante sa bahay niya.


Martes, Pebrero 7, 2017

Nakalimutang Pagbabago

Image result for taklub

Nakalimutang Pagbabago
                Sa isang madilim at malamig na silid, nandoon ang halos nasa 500 estudyante ng CEFI para panoorin ang pelikula na halaw sa totoong pangyayari na kinaharap at kinakaharap pa ng mga biktima ng Bagyong Yolanda na para bang nakalimutan na ng lahat. Boring naman talaga ang isang Indie Film kasi tumutukoy ito sa totoong buhay ng tao at sa maniwala kayo at sa hindi, mas boring pa ang buhay nyo kumpara sa kwento ng buhay ng mga nasalanta ng Bagyong Yolanda.
                Nasaan na nga ba ang bilyong pisong donasyon na ating natanggap mula sa mga nagmalasakit sa mga biktima ng Bagyong Yolanda na halos mag-aapat na taon na ang nakakaraan pero mukhang hindi pa nagagamit at para ngang nawala na nga na parang bula?
                “Lagi na lang yan ang sinasabi ninyo! Imposible namang sa tatlo kong anak na nawawala ay wala man lang kayong nahanap na ka-match ko ng DNA” sabi ni Bebeth. “ Lagay pala ako ng lagay ng kandila doon, wala naman pala akong pinaglalamayan” dagdag pa niya. Sa isang bansa na may mabagal at palpak na sistema tulad ng Pilipinas, mahirap ang mawalan ng mahal sa buhay at kung ikaw ang nasa kalagayan ni Bebeth, masasaktan ka din gaya ng kanyang naramdaman.
                “Gusto kong ipakita sa mga Pilipino maging sa ibang nasyon ang totoong pangyayari sa buhay ng mga nasalanta. Gusto kong malaman ninyo ang mga sitwasyon na kinakaharap ng mga nakaligtas araw-araw” sabi ni Mendoza noong may nagtanong sa kanya kung bakit nga ba niya ginawa ang pelikulang TAKLUB.AAminin ko, boring na boring ako nung una sa panonood ng pelikulang Indie pero malalaman mo naman dito ang totoong isnasapit ng isang indibidwal ng may buong kwentoat siksik sa paglalahad gaya ng ginawa ni Brillante Mendoza na kitang-kita ang pang araw-araw na buhay ng isang tao na nabiktima ng Bagyong Yolanda.
                Batay sa naransan ni Erwin na ninakawan ng yero at nanuntok matapos Makita ang nagnakaw ng kanilang yero ay nagpapakita ng totoong pangyayari sa buhay natin. Maging ang pagkagalit ni Bebeth sa mga doctor na hindi man lang nahanap ang kahit isa sa tatlo niyang nawawalang anak. Kung sino man ang nsa kalagayan nila, tiyak na pareho rin ang gagawin mo kasi kahit gaano ka man kabait, kung may umuusig naman sa iyo ay pilit na lalabas at lalabas ang iyong galit.
                 Sa kabuuan ng pelikula, ipinapakita lang nito ang totoong emosyon na nararamdaman ng tao. Walang taong perpekto pero tiyak, kahit na ganun ang kanilang sinapit ay may aral tayong makukuha sa kanila kagaya ng pagmulat sa ating isipan tungkol sa mga nangyayari na pala sa ating paligid. Impormasyon ang nais ibahagi ng kwentong Taklub at hindi ang kung ano mang pantasya sa buhay.

                Kung aliw, kilig at aksyon lang din lamang ang hanap mo, manood ka nalang ng Vince, Kath, and James, Seklusyon at kung ano-ano pang movie na kasali sa MMFFpero kung aral mula sa totoong buhay lang din lamang ang gusto mo na magbubukas ng iyong kamalayan at mga impormasyon sa paligid, saktong panoorin mo ang TAKLUB. May pagka-boring lang talaga ang TAKLUB kung hindi ka marunong maka appreciate ng buhay ng may buhay kaya kung hindi ka pa sanay, maghdala ka ng kutkutin para iwas pagkabagot.

Shhhh! CNF To


  Image result for shhh

Shhhh! CNF To

            Noong una, may napag-aralan ako sa CNF na kung anong bagay.Meron akong nakilalang Alejandro Abadilla at meron siyang sinabi. Ewan ko lang ba kung anong utak ang meron itong si Alejandro Abadillaat kung ano-ano pa ang binibigay niyang depinasyon sa sanaysay pero sabi niya, ang sanaysay ay ang pormal na sulatin ntulad ng panunuring pampanitikan. Tutal, no choice naman ako edi makikisabay nalang ako sa sinabi niya.

                Hays, pati ba naman talumbuhay ay itinuturing na ring sanaysay. Hindi naman na-inform dunpero total, sabi kasi ni Lumbera as sanaysay, maaari na rin daw kasing sakupin ng kategoryang sanaysay ang alin mang akdang prosa na nagbabahagi ng impormasyon, nagpapaliwanag, umaakit na paniwalaan natin ang sinabi, tumutuligsa sa mga institusyon o indibidwal o umaaliw sa mambabasa. Eh katangian naman ng talumbuhay ang pagbabahagi ng buhay ng tao, tsaka nagpapaliwanag din naman ito kaya maituturing na sanaysay ang talambuhay.

                Kasaysayan ang humubog sa sanayasay. Yung mga kaechosan ng mga ninuno natin ay pinasa pa nila sa atin kaya meron kayong pundasyon sa paraan ng pagsusulat ng sanaysay. Sa pagsusulat ng isang literature, masasalamin sa mga aklat ng kasaysayan ang pinagmulan n gating sanaysay. Sa kung paano kalalim manalita an gating mga ninuno hanggang sa umunlad ito sa panahon ngayon

                Etong mga ito, sanaysay na itongmaituturing tapos nagtatanong ka kung bakit nilikha ang sanaysay? Aba, kusa na ‘yang umusbong. Sabi nga ni Bienvonido Lumbera, kahit sino ay pedeng magsulat ng sanaysay. Kusa na din kasi itong nabuo sa mga kaisipan ng mga Pilipino. Maaring gusto ng mananaysay na magbahagi ng kanyang kaunting kaalaman mula sa pumuputok niyang utak o kaya nachismis lang. Kahit mandin sa paggawa ng thesis at exam, sanaysay ang ginagamit ditto kaya mabilis na nabuo ang sanaysay. May ilan namang walang magawa sa buhay kaya ayun, nagsulat ng sanaysay tapos pinalaganap niya ito kasi nga, ang sanaysay ay maaaring damdamin lang din ng mananaysay.

                Noong panahon ni Bonifacio,Rizal at marami pang propagandista, ginamit nila ang sanysay para maghayag ng kanilang damdamin, hinaing at mga kalokohang ginagawa ng mga Kastila. Ang El Pasig ay isang patunay ng pahayag na tumutuligsa sa mga Kastila. Maging ang La Solidaridad n gating pambansang Bae na si Rizal.
                 Sa panahon naman ng Amerikano, dumami ang mga edukado. Ito marahil ang rason kaya dumami ang mga mananaysay sa panahong iyon. Tsaka mas may laya namang magpahayag ng dmdamin noong panahon ng mga Amerikano  kumpara noong panahon ng Kastila na kelangan mo pa silang utuin para makalabas ang pinaghirapan mong pahayag.
                May ilan ding kinaharap ang pagsasanaysay sa Pilipinas. Wala naman kasing perpekto sa mundo. Nariyan na ang bais na pagbabahagi ng balita na gumugulo sa Pilipino kung ano nga ba ang nangyari sa paligid. Meron din tayong problema sa mga literature na hindi maintindihan ng makabagong henerasyon dahil sa modern na nga tayo ngayon at hindi na natin inabutan ang mga sinautang literaturang ito. Marami pang ibang bagay ang kinakaharap ng pagsasanaysay sa Pilipinas pero ito ang dalawang popular na isyu.
                 Sa mundo ngayon, lahat naman yata ay may mga pagkakaiba. Katulad nalang ng asin at asukal, aso at pusa, pogi sa may pera, at ang pormal na sanaysay sa imporaml na sanaysay.
                Ang pormal na sanaysay ay kialala din sa tawag na Maanyo. Ito ay sanaysay na bunga ng pananaliksik at mayroong pagpapahalaga sa mga nakalap na datos, ito ay sabi ni Genoveva Edroza-Matute. For short, ito ay humihingi ng masining na pag-oorganisa ng datos, malinaw, lohikal at kapanipaniwalang pagpapaliwanag at kritikal o analisis.
                Pero iba ang impormal o personal na sanaysay. Ito kasi ay nagbibigay ng kalayaan sa mga mananaysay sa pagkatha bataysa kanyang karanasan at kung paano niya isinasabuhay ang karanasang ito. Tinawag din ito ni Matute na Palagayan.
                Kung hindi nga lang malaya ang pagsusulat ng malikhaing sanaysay e baka konti lang ang magagawang malikhaing sanaysay sa Pilipinas. Magpapahayag ka lang ng trip mo tapos isusulat mo lang and … whalaah! May malikhaing sanaysay ka na. Madali lang naman kasing magsulat nito. Basta ba nasa mood kang manggawa. Gaya nung sabi ni Bienvenido Lumbera na nabanggit ko sa isang paragraph na ang mananaysay ay sinumang may gustong sabihin sa kanyang kapwa Pilipino at may kakayahang hubugin ang wika upang maintindihan nito ang gustong sabihin.
                Parang tubig ang sanaysay, malaya lang. sumusunod sa daloy ng buhay at kung ano mang korte ang paglalagyan nito, gagayahin lang ng tubig ang hugis dahil ito ay maluwag at maangkop (flexible). Dagdag pa ni Lee Gutkind, kinakailangang may pagsasabuhay at pakikipamuhay sa reyalidad ng sinulat; pananaliksik sa napiling paksa; pagninilay-nilay sa nakalap na datos;pagbabasa ng mga tekstong makatutulong sa pagsusulat; at ang mismong akto ng pagsusulat.
                Sa kabilang banda, sabi naman ni Philip Gerard, una daw ay dapat meron itong malinaw (apparent) na subjek at isang malalim na subjek. Ikalawa, dapat ay sumusunod ito sa katangian ng paksa sa peryodismona napapanahon (timeless). Pangatlo, nagsasalaysay ito ng kwento gamit ang ekstraktura ng maikling kwento. Pang-apat, isa itong pagmumuni-muni ng may akda. At panghuli, pinapahalagahan nito ang sining ng pagsulat.
                Sa panahon ngayon, nakakatamad na ang magsulat ‘di ba? Pero salamat sa makabagong teknolohiya. Ito na ang sagot sa mga tamad na writer. Ito ang “blog”. Ito ang makabagong paggawa ng talaarawan o dyornal na mababasa mo na lang sa internet. Ditto inilalabas ng may akda ang kanyang kuro-kuro, pananaw sa buhay, kalokohan at maging ang kalandian.aba malay mo, sumikat ang blog mo kaya kung ako sa’yo, guamaw ka na rin ngsarili mong blog sa social media. Bukod sa madaling gamitin ang blog, malaki ang chance mo na sumikat ka dito.



https://www.scribd.com/doc/47595681/ANG-SANAYSAY
https://tl.wikipedia.org/wiki/Sanaysay
https://tl.wikipedia.org/wiki/Panitikan_sa_Pilipinas
http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2012/08/ano-ang-sanaysay.html