Shhhh! CNF To
Noong
una, may napag-aralan ako sa CNF na kung anong bagay.Meron akong nakilalang
Alejandro Abadilla at meron siyang sinabi. Ewan ko lang ba kung anong utak ang
meron itong si Alejandro Abadillaat kung ano-ano pa ang binibigay niyang
depinasyon sa sanaysay pero sabi niya, ang sanaysay ay ang pormal na sulatin
ntulad ng panunuring pampanitikan. Tutal, no choice naman ako edi makikisabay
nalang ako sa sinabi niya.
Hays,
pati ba naman talumbuhay ay itinuturing na ring sanaysay. Hindi naman na-inform
dunpero total, sabi kasi ni Lumbera as sanaysay, maaari na rin daw kasing
sakupin ng kategoryang sanaysay ang alin mang akdang prosa na nagbabahagi ng
impormasyon, nagpapaliwanag, umaakit na paniwalaan natin ang sinabi,
tumutuligsa sa mga institusyon o indibidwal o umaaliw sa mambabasa. Eh
katangian naman ng talumbuhay ang pagbabahagi ng buhay ng tao, tsaka
nagpapaliwanag din naman ito kaya maituturing na sanaysay ang talambuhay.
Kasaysayan
ang humubog sa sanayasay. Yung mga kaechosan ng mga ninuno natin ay pinasa pa
nila sa atin kaya meron kayong pundasyon sa paraan ng pagsusulat ng sanaysay.
Sa pagsusulat ng isang literature, masasalamin sa mga aklat ng kasaysayan ang
pinagmulan n gating sanaysay. Sa kung paano kalalim manalita an gating mga ninuno
hanggang sa umunlad ito sa panahon ngayon
Etong
mga ito, sanaysay na itongmaituturing tapos nagtatanong ka kung bakit nilikha
ang sanaysay? Aba, kusa na ‘yang umusbong. Sabi nga ni Bienvonido Lumbera,
kahit sino ay pedeng magsulat ng sanaysay. Kusa na din kasi itong nabuo sa mga
kaisipan ng mga Pilipino. Maaring gusto ng mananaysay na magbahagi ng kanyang
kaunting kaalaman mula sa pumuputok niyang utak o kaya nachismis lang. Kahit
mandin sa paggawa ng thesis at exam, sanaysay ang ginagamit ditto kaya mabilis
na nabuo ang sanaysay. May ilan namang walang magawa sa buhay kaya ayun,
nagsulat ng sanaysay tapos pinalaganap niya ito kasi nga, ang sanaysay ay
maaaring damdamin lang din ng mananaysay.
Noong
panahon ni Bonifacio,Rizal at marami pang propagandista, ginamit nila ang
sanysay para maghayag ng kanilang damdamin, hinaing at mga kalokohang ginagawa
ng mga Kastila. Ang El Pasig ay isang patunay ng pahayag na tumutuligsa sa mga
Kastila. Maging ang La Solidaridad n gating pambansang Bae na si Rizal.
Sa panahon naman ng Amerikano, dumami ang mga
edukado. Ito marahil ang rason kaya dumami ang mga mananaysay sa panahong iyon.
Tsaka mas may laya namang magpahayag ng dmdamin noong panahon ng mga
Amerikano kumpara noong panahon ng
Kastila na kelangan mo pa silang utuin para makalabas ang pinaghirapan mong
pahayag.
May
ilan ding kinaharap ang pagsasanaysay sa Pilipinas. Wala naman kasing perpekto
sa mundo. Nariyan na ang bais na pagbabahagi ng balita na gumugulo sa Pilipino
kung ano nga ba ang nangyari sa paligid. Meron din tayong problema sa mga
literature na hindi maintindihan ng makabagong henerasyon dahil sa modern na
nga tayo ngayon at hindi na natin inabutan ang mga sinautang literaturang ito.
Marami pang ibang bagay ang kinakaharap ng pagsasanaysay sa Pilipinas pero ito
ang dalawang popular na isyu.
Sa mundo ngayon, lahat naman yata ay may mga
pagkakaiba. Katulad nalang ng asin at asukal, aso at pusa, pogi sa may pera, at
ang pormal na sanaysay sa imporaml na sanaysay.
Ang
pormal na sanaysay ay kialala din sa tawag na Maanyo. Ito ay sanaysay na bunga
ng pananaliksik at mayroong pagpapahalaga sa mga nakalap na datos, ito ay sabi
ni Genoveva Edroza-Matute. For short, ito ay humihingi ng masining na
pag-oorganisa ng datos, malinaw, lohikal at kapanipaniwalang pagpapaliwanag at
kritikal o analisis.
Pero
iba ang impormal o personal na sanaysay. Ito kasi ay nagbibigay ng kalayaan sa
mga mananaysay sa pagkatha bataysa kanyang karanasan at kung paano niya
isinasabuhay ang karanasang ito. Tinawag din ito ni Matute na Palagayan.
Kung
hindi nga lang malaya ang pagsusulat ng malikhaing sanaysay e baka konti lang
ang magagawang malikhaing sanaysay sa Pilipinas. Magpapahayag ka lang ng trip
mo tapos isusulat mo lang and … whalaah! May malikhaing sanaysay ka na. Madali
lang naman kasing magsulat nito. Basta ba nasa mood kang manggawa. Gaya nung
sabi ni Bienvenido Lumbera na nabanggit ko sa
isang paragraph na ang mananaysay ay sinumang may gustong sabihin sa kanyang
kapwa Pilipino at may kakayahang hubugin ang wika upang maintindihan nito ang
gustong sabihin.
Parang
tubig ang sanaysay, malaya lang. sumusunod sa daloy ng buhay at kung ano mang
korte ang paglalagyan nito, gagayahin lang ng tubig ang hugis dahil ito ay
maluwag at maangkop (flexible). Dagdag pa ni Lee Gutkind, kinakailangang may
pagsasabuhay at pakikipamuhay sa reyalidad ng sinulat; pananaliksik sa napiling
paksa; pagninilay-nilay sa nakalap na datos;pagbabasa ng mga tekstong
makatutulong sa pagsusulat; at ang mismong akto ng pagsusulat.
Sa
kabilang banda, sabi naman ni Philip Gerard, una daw ay dapat meron itong
malinaw (apparent) na subjek at isang malalim na subjek. Ikalawa, dapat ay
sumusunod ito sa katangian ng paksa sa peryodismona napapanahon (timeless).
Pangatlo, nagsasalaysay ito ng kwento gamit ang ekstraktura ng maikling kwento.
Pang-apat, isa itong pagmumuni-muni ng may akda. At panghuli, pinapahalagahan
nito ang sining ng pagsulat.
Sa
panahon ngayon, nakakatamad na ang magsulat ‘di ba? Pero salamat sa makabagong
teknolohiya. Ito na ang sagot sa mga tamad na writer. Ito ang “blog”. Ito ang
makabagong paggawa ng talaarawan o dyornal na mababasa mo na lang sa internet.
Ditto inilalabas ng may akda ang kanyang kuro-kuro, pananaw sa buhay, kalokohan
at maging ang kalandian.aba malay mo, sumikat ang blog mo kaya kung ako sa’yo,
guamaw ka na rin ngsarili mong blog sa social media. Bukod sa madaling gamitin
ang blog, malaki ang chance mo na sumikat ka dito.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Sanaysay
https://tl.wikipedia.org/wiki/Panitikan_sa_Pilipinas
http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2012/08/ano-ang-sanaysay.html
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento