Pilipinong Bumbay
Noong
una, wala akong ideya yung sino nga ba ang akong kakapanayamin lalo na't
kelangan ko ay 'yung para bang kakaiba ang trabaho. Napakamot tuloy ako sa ulo.
Nagmuni-muni muna ako matapos kong makauwi ng bahay galing sa school. Nasa isip
ko pa rin kung ang kakapanayamin ko ba ay papayag. Pero bago iyon, wala pa nga
pala akong kilalang mai-interview. Umupo muna ako sa sofa, binuksan ang
electric fan kasi banasin ako. Maya-maya, naamoy ko ang ulam na niluluto ni
papa sa kusina. Bistek ang ulam namin kaya inunahan ko na kaagad ang kapatid ko
sa pagkain kasi alam kong masiba yun sa karne, baka maubusan pa ako ng ulam. Si
papa naman, biglang binuksan ang TV. Balita ang kanyang pinanood sa ABS-CBN. E di
nakipanood na lang din ako.
"5
6 sa Pilipinas, balak nang ipatigil ng gobyerno..." Biglang may pumutok na
ideya sa isip ko ng makinig ang balitang iyon. Magandang ideya na interviewhin
ang magpa- 5-6. Mabuti na lang at may kilala akong nagpa- 5-6. Bigla kong
hiniram ang susi ng motor kay papa kasi pupuntahan ko 'yung kilala ko na magpa-
5-6.
"Magandang
gabi po." ani ko. May tindahan siya pero maliit lang. Bumili muna ako ng mani
para naman mahikayat ko na ma-interview siya kahit bukas na ng umaga o hapon.
Gabi na kasi noon.
"
Tita, pede ko po ba kayong matanong?" sabi ko nang may puno ng respeto sa pagsasalita
kasi alam ko na may posibilidad na tanggihan niya ang interview na gagawin ko.
"Wag po sana kayong ma-o-offend." kasunod na sabi ko
Panatag
naman ang mujha ng babaeng nagtitinda na pakay ko. "O sige utoy, ano ba
iyon?"
"Tungkol
po sa pagpapautang ang itatanong ko kung mamarapatin n'yo lang po." Medyo
kabado na ako ng mga oras na ito. May konting pagdadasal na sana naman ay
pumayag ang babae na kakapanayamin ko kasi kahit ako, alam ko na mabigat ang
gagawin ko na maaaring ikasama ng loob niya pero hindi ko akalain ang sasabihin
niya sa paunlak ko "O sige, pero bukas na ha, magsasarado na kasi ng
tindahan." nakangiti niyang wika sa akin. Ako naman ay tuwang tuwa kasi sa
wakas, may maisusulat na ako sa CNF. Tinulungan ko sa pagliligpit ng gamit ang
babaeng aking iinterviewhin bukas. Matapos niyon ay dumating ang kanyang
kapatid para sunduin siya. "Nga 12 ka na lang pumunta utoy sa bahay kasi
wala pa ako noong gagawin." sabi ng babae sabay alis niya.
Kinabukasan,
gumising ako nang maaga. Inihanda ko muna ang mga itatanong ko para naman hindi
ako ma-mental block sa mga itatanong ko.
Mga
12:05 na ako nang pumunta sa kanilang bahay. Naamoy ko na may niluluto ang
babae, kaya nang makita ako nito ay pumasok na ako sa kanilang bahay. Kakain pa
lang pala sila ng tanghalian ng kanyang nanay at ng kanyang pamangkin. Inaalok
pa nga nila ako ng kanilang ulam na tulingan at hipon pero tinanggihan ko na
lang iyo kasi nakakahiya ( kahit gusto kong makikain )
Maingay
silang kumain. Nagtatanong kasi sa babae ang kanyang nanay kung pede daw ba
siyang kumain ng hipon. "Bawal nga nay! Allergy ka d'yan e." pasigaw
na tono ng babae. Nagulat ako at bigla na lang akong dinapuan ng kaba dahil sa
inasal ng babae. May pagkamataray pala talaga siya. Totoo nga 'yung mga
nababalitaan ko sa kanya tungkol sa kanyang katarayan pero para sa CNF,
lalakasan ko ang loob ko para interviewhin siya.
"O
utoy, hala na, magtanong ka habang iniimpis ko itong kinainan namin."
panatag na wika niya s'akin. Mabuti na lang at medyo kumalma ang babae at
naging panatag na ang boses niya kaya nawala ang takot ko.
"E
kumusta naman po kayo ngayon? Kumusta po ang are ninyo?"
"Ayun,
hindi maganda. Kulang kasi kami sa kwarta." pabirong sabi niya sa akin.
Tinawanan ko na lang ang biro niya para magood-vibes naman siya. Maya-maya ay
nagtanong na ako ulit. "Matanong ko lang po, ano po ba ang
pinagkakaabalahan ninyo sa maghapon?"
"Nako
totoy, sa pamamalengke, pagluluto, pagtitinda at pag-aalaga kay nanay lang
umiikot ang mundo ko. Wala nang bago sa pang-araw-araw ko."
"Ano
po ba ang inyong pinagkakakitaan?" sabi ko sa kanya.
"Ahh, ayun. Magtinda duon sa aking maliit
na tindahan nga dun malapit sa Central ( school ) at magluto na din ng kakainin
para dagdag kita. Alam mo na, mahirap ang buhay ngayon kaya kelangan kong
magdoble-sikap lalo pa't ako lang ang gumagastos sa bahay, tapos tatlo pa kami
dito." ani niya.
“Hondi
naman po ba kayo nahihirapan sa trabaho ninyo lalo na’t araw-araw n’yo poi tong
ginagawa?” usisang tanong ko ulit.
“Nasanay
na naman ako. Kasi naman, simula bata pa lamang kami e marunong na kaming
magbanat ng buto. Hindi na rin ‘to bago sakin.”
Noong
mga sandaling iyon ay namangha ako kasi hindi ko din naman alam ang kwento ng
buhay ng babae. Ipinagpatuloy ko pa ang pagtatanong.
“E kung
papapiliin po ba kayo ng propesyon, ano po ba ang gusto ninyo?”
Sandaling
napaisip ang babae nang may pagtingin pa sa celing. “ Wala na. Basta, kahit
ano. Kung saan may mapagkakakitaan, duon na lang ako. Medyo mahina kasi ang
utak ko. Hindi na ako nagkolehiyo kaya hindi ko na rin inisip ‘yang mga
propesyon-propesyon na yan.”
“Pero
balita ko naman po ay mayaman na kayo.” pabirong sabi ko.
“Medyo
lumagpas lang sa kaunti. Kelangan pa rin namang magtrabaho. Baka manhilahod
kami kinabukasan pag nagpapetiks-petiks na lang ako. Sapat lang naman ang
kinikita ko sa pang araw-araw.” sabi naman niya sa akin.
Alam
kong hinahambog lang ako neto pero kunawi ay naniniwala na lang ako. Sabi ko sa
kanya, tapos na ang aking pagi-interview sa kanya. Kung mapapansin ay hindi ko
man lang naisingit yung tungkol sa pagpa-5-6 niya kasi medyo nahiya na ako. Ok
na sa’kin yung pagiging tinder niya pero bigla siyang may sinabi sa’kin.
“Tapos nay
yun? Akala ko ay tatanungin mo ako tungkol sa 5-6”
Nagulat
ako kasi siya na mismo ang nagpaunlak na buksan ang usaping iyon kaya tinanong
ko muna siya kung ayos lang at sabi naman niya ay ako rin ang bahala kaya
nagtanong na ulit ako pero ngayon naman, ang tanong ko ay magmumula na sa
kanyang pagpapautang.
“Kung
ganon po, maaari kop o bang malaman kung ilang porsyento ang inyong ipinapatong
kada utang?”
Ang abi
niya sa akin,:10% lang kaya hindi 5-6 ang tawag dun.”
Sa isip
ko naman, ganun na rin ‘yun. May patong pa din naman ah. Tsaka gaman namang 10%
lang ang patong niya e yamaman nga daw siya dahil sa 5-6. Kunwari ay naniniwala
ako sa kanyang sinasabi kahit na alam ko na malaki ang patubo niya sa utang
para lang maigpatuloy ko pa ang pagi-interview sa kanya.
“Magkano
po ba ang pinakamalaking naipautang ninyo?” tanong ko.
“₱100,000”
Nanlaki
ang mata ko sa sinabi niyang halaga. Tama nga ako. Mukhang hindi lang 10% ang
patong niya sa kanyang pautang. Isipin mo, saan siya kukuya ng ganon kalaking
halaga ng perasa pagtitinda lang ng kakanin at sa munti niyang tindahan.Ang
balita ko pa ay madami siyang hawak na taong pinapautang. Talagang yayaman nga
siya.
“Kung
ganoon po, ano po ang tawag ninyo sa pagpapautang ninyo? Tulong o trabaho?”
“Aba’y
parehas lang. Trabaho na rin ‘yan sa’kin. Malaki rin ang naitutulong sa akin ng
pagpapautang sa mga gastusin. Tsaka pagtulong din kasi 10% lang naman ang
patong ko.” Sambit niya sa tanong ko. “tsaka sila din naman ang nalapit sakin e
hindi ako kaya syempre, pinapautang ko na din.” dagdag pa niya.
“Sino-sino
po ba ang nangungutang sa inyo?” tanong ko ulit sa kanya.
“Madami
pero mga kakilala ko lang ang pinapautang ko. Mahirap na ang matakbuhan. Wala
akong laban d’yan.” ani niya .
“E may
mga guro po bang nangungutang sa inyo? ( Kasi malapit lang ang tindahan niya sa
Central na isang Elementary School tsaka kilala na siya sa kanyang pagpapautang
)”
“Oo
pero dati lang iyon.”sabi niya sa akin na mukha namang nagsisinungaling kasi
noong minsan, habang kumakain ako ng habhab sa may tindahan niya ay nakita ko ‘yung
isang guro na may inabot sa kanyang isang libo. Bayad siguro sa utang kasi may
notebook siyang pinaglistahan matapos magbayad ng guro.
“Bale
ilan po ang inyong pinagkakabuhayan?” sabi ko.
“Tatlo
nga.” Mahinahong sabi niya. “Yung sari-sari store ko, pagluluto ng kakanin
tsaka ‘yung pagpapautang ko nga.”
“Nako,
maraming salamat po sa pagpapaunlak sa’kin. Tapos na po ako sa mga itatanong
ko. Salamat po.” sabay umalis na rin ako kasi mukhang may gagawin pa siyang
importante sa bahay niya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento