Nakalimutang Pagbabago
Sa
isang madilim at malamig na silid, nandoon ang halos nasa 500 estudyante ng
CEFI para panoorin ang pelikula na halaw sa totoong pangyayari na kinaharap at
kinakaharap pa ng mga biktima ng Bagyong Yolanda na para bang nakalimutan na ng
lahat. Boring naman talaga ang isang Indie Film kasi tumutukoy ito sa totoong
buhay ng tao at sa maniwala kayo at sa hindi, mas boring pa ang buhay nyo
kumpara sa kwento ng buhay ng mga nasalanta ng Bagyong Yolanda.
Nasaan
na nga ba ang bilyong pisong donasyon na ating natanggap mula sa mga
nagmalasakit sa mga biktima ng Bagyong Yolanda na halos mag-aapat na taon na
ang nakakaraan pero mukhang hindi pa nagagamit at para ngang nawala na nga na
parang bula?
“Lagi
na lang yan ang sinasabi ninyo! Imposible namang sa tatlo kong anak na nawawala
ay wala man lang kayong nahanap na ka-match ko ng DNA” sabi ni Bebeth. “ Lagay
pala ako ng lagay ng kandila doon, wala naman pala akong pinaglalamayan” dagdag
pa niya. Sa isang bansa na may mabagal at palpak na sistema tulad ng Pilipinas,
mahirap ang mawalan ng mahal sa buhay at kung ikaw ang nasa kalagayan ni
Bebeth, masasaktan ka din gaya ng kanyang naramdaman.
“Gusto
kong ipakita sa mga Pilipino maging sa ibang nasyon ang totoong pangyayari sa
buhay ng mga nasalanta. Gusto kong malaman ninyo ang mga sitwasyon na
kinakaharap ng mga nakaligtas araw-araw” sabi ni Mendoza noong may nagtanong sa
kanya kung bakit nga ba niya ginawa ang pelikulang TAKLUB.AAminin ko, boring na
boring ako nung una sa panonood ng pelikulang Indie pero malalaman mo naman
dito ang totoong isnasapit ng isang indibidwal ng may buong kwentoat siksik sa
paglalahad gaya ng ginawa ni Brillante Mendoza na kitang-kita ang pang
araw-araw na buhay ng isang tao na nabiktima ng Bagyong Yolanda.
Batay
sa naransan ni Erwin na ninakawan ng yero at nanuntok matapos Makita ang
nagnakaw ng kanilang yero ay nagpapakita ng totoong pangyayari sa buhay natin.
Maging ang pagkagalit ni Bebeth sa mga doctor na hindi man lang nahanap ang
kahit isa sa tatlo niyang nawawalang anak. Kung sino man ang nsa kalagayan
nila, tiyak na pareho rin ang gagawin mo kasi kahit gaano ka man kabait, kung
may umuusig naman sa iyo ay pilit na lalabas at lalabas ang iyong galit.
Sa kabuuan ng pelikula, ipinapakita lang nito
ang totoong emosyon na nararamdaman ng tao. Walang taong perpekto pero tiyak,
kahit na ganun ang kanilang sinapit ay may aral tayong makukuha sa kanila
kagaya ng pagmulat sa ating isipan tungkol sa mga nangyayari na pala sa ating
paligid. Impormasyon ang nais ibahagi ng kwentong Taklub at hindi ang kung ano
mang pantasya sa buhay.
Kung
aliw, kilig at aksyon lang din lamang ang hanap mo, manood ka nalang ng Vince,
Kath, and James, Seklusyon at kung ano-ano pang movie na kasali sa MMFFpero
kung aral mula sa totoong buhay lang din lamang ang gusto mo na magbubukas ng
iyong kamalayan at mga impormasyon sa paligid, saktong panoorin mo ang TAKLUB.
May pagka-boring lang talaga ang TAKLUB kung hindi ka marunong maka appreciate
ng buhay ng may buhay kaya kung hindi ka pa sanay, maghdala ka ng kutkutin para
iwas pagkabagot.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento