Huwebes, Marso 30, 2017

Reportage: A Martial Law Story

                Ika-10 ng Disyembre, Sabado, nagkaroon ng isang oryentasyon ukol sa Human Rights. Ang mga nagsipagdalo ay mga estudyate ng G11 HUMSS  ng Calayan Educational Foundation Inc. (CEFI). Mga alas-otso ng umaga ay marami nang estudyante ang nasa Pacific Mall. Mga naliligaw sila dahil hindi nila alam noon kung saan nga ba gaganapin ang nasabing pagtitipon. Halos isang oras na ang nakalipas ng malaman nila kung saan gaganapin ang venue at sa may basketball-an pala iyon gaganapin.Madami sa mga estudyante ang nagulat dahil hindi nila inasahan na duon lang pala gaganapin ang event.
                Dahil masama noon ang panahon ay may manaka-nakang pag-ambon ay napagdesisyunan ng grupong may paganap ng event na lumipat ng venue sa 3rd floor, saloob ng Pacific Mall. Ng making ito ng mga estudyante ay agad ding nagsitungo ang mga ito sa nasabing event.
                Nag-ayos pa ang mag oorganisa ng event kaya naman ang ilan sa mga kabataan ay kumain muna dahil na din sa gutom. Ang ilan namn sa kanila ay naglibot nalang para hindi mainip.
                Halos 10:00 na nga magsimula ang talakayan ukol sa Human Rights. Nagkaroon din ng mga pagpapakitang gilas ng kanikanilang mga talento ang mga estudyante sa pangunguna ni Oyi Lorico. Matapos ni Oyi ay sinundan siya ng marami pang kabataan upang magpakita ng talento. Hindi naglaon ay pumatak na ang alas-dose at panandaliang pinatigil ng organizer ang naturang pagpapakita ng talento ng mga kabataan upang magtanghalian ang mga ito.
                Ala-una na nang bumalik ang mga kabataan. Kapansin pansin ang mga larawang nakadikit sa mga poste. “Mga biktima marahil ng Martial Law  ang mga taong nakapinta dito.” Usisa ng mga kabataang nakapansin. Meron ding dalawang lalaki duon na nagpipinta ng kulay pulang pintura sa isang telang puti. Marami ang umusisa sa kung anong imahe kaya ang gagawin ng dalawa.
                Nang magsimula na ulit ang pagtitipon, may ipinanood muna sa estudyante na  isang Indie Film na pinagbibidahan ni Eugine Domingo. Ang kwento ay patungkol sa isang byudang babae na naging barbero matapos mamatay ng kanyang asawa at kalaunan ay sumama sa isang tulisan matapos niyang patayin ang mayor ng kanilang bayan.
                Sa pelikulang ito ay malalaman mo na talaga ang mga tema o usapin na kinaharap ng mga tao sa panahon ng diktaturya ni Marcos.
                Matapos ang palabas ay nagkaroon ng mga ilang tao na nagbahagi ng kanilang saloobin patungkol na nga sa Human Rights. Isa lang ang nais na palitawin ng mga ito sa kanilang sinabi, ayaw nilang maranasan ulit ang pagkawala ng kalayaan.
                Sabi ni Christopher Fernandez sa amin,
                “Ginagawa naming ito para na din sa inyong mga kabataan para mamulat din kayo sa nangyayari sa ating paligid. Para na din maging aware kayo tsaka hindi naman kasi lahat ng sinasabi namin dito ay itinutro ng mga guro nyo sa school. Kailangan nating magbasa at magbigay pansin sa kasaysayan upang malaman natin ang leksyon ng nakaraan na pede nating magamit sa kasalukuyan.”
                “Ang mga galawan kasi ni Duterte ngayon ay malaki ang kapareha sa istilong ginawa noon ni Marcos. Ginigising namin kayong mga kabataan kasi kung magbibingi-bingihan kayo sa mga nangyayari sa ating paligid, ay baka dahan dahan ding mawala ang kalayaang ating tinatamasa ng hindi ninyo nalalaman.” Dagdag pa niya sa amin
                “ Pero hindi naman ako taliwan sa ating pangulo. Lumbaga, pabor ako sa mga mabuting ginagawa niya (Duterte) para sa ikaaayos n gating bansa pero sa mga  desisyon niya na hindi nakakabuti sa mga mamamayan, siguro ay hindi ako sang-ayon dun. Kasi may maganda naman siyang hangarin kaya lang, yung mga ibang bagay na nakakasama sa mga Pilipino, against ako dun”
                ”Pero ano nga ba ang nag-udyok sa inyo para sumali sa pagtitipon na ito?” Tanong ni Annalisa.
                “Kasi ano, aaminin ko na sociorealist ang media ko talaga at bilang isang sociorealist ay kailangang maging aware ka sa lipunan. Wala pa naman akong nararanasang dahas pero bilabf isang artist, kelangan ko ng konsepto na gagamitin ko para maipahayag ang isang obra. Pero hindi lahat ng obra ko ay patungkol sa Martial Law. Meron din akong ang tema ay sosyalidad,, history, basta sumasalamin sa Pilipino culture”
                Ayon naman kay Joel Boncay, isang rapper na  hindi naman daw niya naranasan ang Martial Law kasi batang ’90 naman daw siya pero sinasalin siya yung mga gusto nilang sabihin sa kanta. Napansin kasi niya na mahilig ang mga kabataan sa rap kaya naisip niya nagawing propaganda ito.
                “Yung mga kanta kasi ngayon ay halos tungkol lang sa weeds,sex, pera, puro sarili lang nila. So kelangan nating alisin yun. Ang mas kailangan natin ay yung may panawagan. At the same time, natutulungan natin yung mga tao gaya ng Lumad, yung mga indigenous people. Ginawan naming sila ng original composition.”
                “May personal po ba kayong karanasan na nag udyok sa inyo na sumali kayo dito?” usisa ni Annalisa.
                “Ahmm… dati, hindi pa ako involve sa organization. Artist lang ako noon pero parang God’s plan na din ang lahat kasi nakilala ko sila last year. Tapos ayun, nabuo naming yung kantang Kidapawan Massacre.”
                “Eh, ano naman pong masasabi nyo sa mga kabataan ngayon?”
                “Ayun, tayo nalang kasi ang magbabago sa kasaysayan. Ganto pa lang tayong mga kabataan pero tinitingnan natin ang mangyayari kaya walang nangyayari. Kailangan natin bilang estudyante,mga millennial, kasi ano… may kasabihan tayo na once na tayo ay namulat, masama na ang pumikit.”
                “Kumbaga, ang gusto lang na iparating ng kasabihan na iyon, halimbbawa,  yung kaklase mo, nakikita mong ninanakawan ng kapwa mo kaklase pero wala kang sinabi pero nakita mo yung totoo, parang Shet. Mas makasalanan ka pa sa nangnakaw kasi nakita mo na e. Ganun ang kelangan nating gawin ngayon.
                “Tayo, bilang kabataan na ang oobserve ng mga nangyayari, economic, mga politics, kailangan nating ano yun… ipalaganap via social media or ano. Ok lang na mag rant yun kesa naman mababasa natin ngayon sa facebook. Shet. Ina-unfriend ko nalang sila.”
                “ Kailangan naman kasi yung mababasa nila sa newsfeed natin ay yung may sense. May mapupulot silang aral. Yun an lang din ang masasabi ko sa mga estudyante  na mas pagyamanin pa natin yung mga talent natin. Malaki din ang maitutulong nun para mai-spread natin sa mas nakakarami na may ganto palang nangyayari. Gaya ng mga katutubo sa Mindanao na kinukuha ang lupain nila para gawing minahan. Diba ang Shet lang kasi sila tong mga ninuno natin pero sila itong pinapaalis.”
                “Dapat, hindi lang tao estudyamte, hindi lang tayo millennial. Dapat may pakialam din tayo kasi kumh walang katulad nila (kasamihan niya), namin, hindi tayo uunlad. Lalo tayong lulubog. Kung ano nalang ang ipagawa satin, yun nalang ang agagwin natin. Buti nga at may katulad pa naming na lumalaban tungkol sa gantong usapin tulad ni Sir Alvin. Nakakaline up  na rin kasi naming si Sir Alvin sa poetry reading kaya sabi naming eh iinvite kayo para mas mabuksan ang  kanilang kaalaman tungkol sa ganitong usapin.”
                Ilang lang sila sa mga taong nanduon na aming nakapanayam pero makikita natin doon ang kanilang pakialam sa ating bayan.

                Hindi na naming tinapos ang nasabing event dahil maggagabi na rin noon. Sabin g ibang estudyante na naiwan ay nagsindi pa sila ng kandila at nagmatsa. 

Biography

Cover Photos






Pictures with Special Events




 Family Picture




OOTD





Tagged Photos 







Profile Pictures








Sariling Tingin ko sa Kanya Outside FB



HUMSS: Para sa Ikauunlad ng Ating Pagkatao

         Isa sa mga pagpipiliang strand sa academic track ay ang Humanities and Social Sciences na kilala rin sa tawag na HUMSS. Kung ikaw ay nagbabalak magpatuloy sa kolehiyo upang makatapos ng pag-aaral, magandang kunin sa Senior High School ang HUMSS strand. Bakit mo ito dapat piliin? Bibigyan kita ng mga rason para makumbinsi ka.
          Kung mahiyain ka at gusto mong kumapal ang iyong mukha, mag enroll ka na sa CEFI at kunin ang HUMSS strand. Ang HUMSS strand ay para sa mga makakapal ang mukha at kabataang may hiya na gustong kumapal ang mukha. Mas madaling matanggap sa trabaho kung hindi ka mahiyain, may kumpyansa sa sarili, at may maayos na pag-uugali na tiyak na makakamit mo sa tulong ng strand na ito.
          Isa sa pinaka-demand na trabaho ngayon na maaari mong pagtrabahuhan kapag ikaw ay nakatapos na sa pag-aaral ay ang pagiging guro. Oo, guro nga. Karamihan samga HUMSS na nag enroll sa CEFI ay mga gustong maging guro. Saktong sakto sa HUMSS para sa gustong maging guro pero mahiyain dahil panigurado, masasanay ka sa reporting na may dating at hindi binasta basta, mga social activities, at isa pa sa pinagmamalaki ng strand na ito ay masaya dito.
          May ilan pang kurso na angkop sa strand na ito gaya ng mga nagnanais maging psychologist, pulis, attorney, reporter, radio announcer, writer, at kung ano-ano pa na may kinalaman sa pakikipagkapwa-tao.
          Malawak ang saklaw ng HUMSS. Sa katunayan nga,kahit gusto mong maging business man, engineer o kaya maging manager ay pede ka dito. Malaki ang maitutulong ng strand na ito. Sa trabahong ito, hindi ka naman makukuha sa trabaho kung shytype ka.
        Balik tayo sa pinaka-demand na kinukuha ng mga HUMSS students sa CEFI, ang teacher. Malaki ang maitutulong sa'yo ng HUMSS lalo na kung desidido ka talaga na maging respetado, at kawili-wiling guso. Tutulungan ka ng strand na ito na maging passionate sa trabahong pipiliin mo lalo na at pupurgahin ka sa reporting. Hindi mahirap ang reporting, kahit purga ka na. Sa katunayan, mag-eenjoy ka pa sa pagrereport sa strand na ito.
           Para sa akin, HUMSS ang pinaka magandang strand na meron ang academic strand. Hindi dahil pinopromote ko ito pero dahil nararansan ko ang sayang meron dito.  Malawak pa ang sakop nito kaya mahit magkaiba kayo ng gustong kunin ni Babe sa College, mag-HUMSS kayo para magkasama pa rin kayo habang nag-aaral kayo ng mabuti.
             Masasbi kong wala namang madaling track o kahit strand. Lahat namn 'yan ay mahirap pero syempre, kung mamahalin mo ang pag-aaral, mamaniin mo ang lahat ng iyan. Sa kaso ko, nadadalian ako sa HUMSS kasi naririto ang gusto ko at dito ay naaangkop talaga ang kakayahan ko dito.
               Sa mga engineer at business man d'yan, mag HUMSS na rin kayo, kasi kung wala naman kayong social skills na pinopromote na makuha sa HUMSS, hindi ka rin aasenso. Isa pa, may makukuha ka pa rin namang subject dito sa college na makakatulong pa rin sayo.
                Kung magandang future ang hanap mo, Choose Right, Choose HUMSS. Isang paalala ng isang makapal na estudyante na nawala ang hiya dahil hinulma ng strand na ito. 

Letter kay Digong

Minamahal Naming Pangulong Rodrigo R. Duterte,
          Unang -una po, binabati ko po kayo ng isang magandang araw. Ako po, bilang isang estudyante, ay lubos na magagalak kung mababasa n'yo man ang sulat kong ito. Isang prebelehiyo ang mabasa ang aking sulat ng pinakamataas na pinuno ng ating bansa.
          Nais ko pong batiin kayo sa inyong magandang simula sa pamahalaan at ang mataas ninyong satisfaction rating na inyong pinagpursigihang makuha mula sa taong bayan. Hindi lamang mga Pilipino ang bumilib sainyong kampanya laban sa droga, maging ang ibang bansa ay laman ng usapin ito dahil sa malaki ang nabago sa sistema ng ating bansa simula ng maupo kayo sa pwesto.
          Ngunit, hindi lahat ng tao ay pabor ang inyong uri ng pamamalakad. Sa katunayan nga po nito ay may mga bansa rin ang bumabatikos sa kamay na bakal ninyong pagdidisplina sa bansa. Maging ang mga kaparian ay inyong nakalaban ukol sa usaping "war on drugs" at ang napapabalitang "extra judicial killings" sa bansa.
          Bilang isang kabataan po, nais ko po sanang magpahayag ng saloobin ukol sa mga isyung kanasasangkutan ninyo. Maging ako rin po naman ay bilib sa biglaang pagbabago ng mga Pilipino dahil sa inyong kampanyang "war on drugs" ngunit naaalarma lang po ako kasi may mga napapabalita pong maging ang mga inosenteng mamamayan ay nadadamay.
           Minsan po kasi nang ako ay nanonood ng TV ay may napabalitang mag-na ang namatay matapos umanong manlaban sa pulis ang mga biktima ng sila ay hinuli. Ang mga napatay ay isang byudang babae at isang batang lalaki. Kapani-paniwala po bang ang sinabi ng mga pulis na isang bata at isang babae ay makukuha pang manlaban na aabot sa kamatayan? Nais ko po sanang ang mga pulis ay maging disiplinado rin. Kapansin-pansin po kasi na paulit ulit na lang ang rason na kanilang laging sinasabi kapag napatay nila ang mga hinuli nila. Lagi nalang nanlaban.
          Isa pa po ng isyu na gusto kong mabigyan ng sapat na aksyon ay ang inyong pamahalaan ay nasasangkot sa talamak na kaso ng "extra judicial killings" na halos araw-araw ay may namamatay.
          Bilang estudyante, natatakot ako kahit sabihin nating wala naman akong kasalanan. NAtatakot ako na isang araw, mapagbintangan ako at mapadamay sa mga gumadaming bilang na resulta ng EJK.
            Nais ko po sanang mahuli ninyo ang mga taong sangkot sa EJK. Ito ay para sa seguridad ko, ng pamilya ko, at maging ng kapwa ko Pilipino na ginagawa angkanilang tungkulin sa bayan. kaligtasan ko lang po ang iniisip ko dahil mahirap na ang madamay nang wala namang kasalanan.
            Ito po ang aking hinaing aming mahal na pangulo. Nawa'y magkaroon po kayo ng aksyon sa mga sinabi ko pong hinaing para sa ikabubuti ng kalagayan ng mga mamamayan ng ating bansa.
             Muli po, bumabati po ako ng magandang araw at sumasaludo po akosa inyo dahil sa ginawa ninyong pagbabago sa ating bansa. Pagpalain po kayo nawa ng ating Panginoon sa inyong kampanya para sa ikakaayos ng ating bansa.\
Mula sa Tinig ng may Paggalang,
John Anthony M. Elfa

Me, Myself, and I


Physical Aspect
    Noong ika-24 ng Abril taong 2000, may isang cute na batang lalaki ang ipinanganak sa lungsod ng Lucena. Saksakan daw ito ng ka-cute-an kaya naman labis na tuwa ang naramdaman ng kanyang magulang ng siya ay masilayan. Ang pangalan niya ay John Anthony M. Elfa at ako iyon.
            Lumipas ang labing anim na taon, lumaki naman ako pero hindi naman ganun katangkaran. Ang maipagmamalaki ko  lang siguro ay ang pagiging cute ko  na nadala ko pa simula bata pa ako at idagdag mo pa ditto ang taba na kusa nalang umusbong. Ito ang madalas pansinin sakin ng mga dating kong kaklase noong JHS maging ng mga kasalukuyan kong mga kaklase sa SHS.
             Masaya naman akong kasama. Tumatawa, nakikipag kwentuhan, nang-aasar, pero ingatan mo kapag tumahimik na ako. Maninibago ka pagtahimik  ko kasi hindi naman ako ganun. Baka badtrip na ako ng lagay na yun. May pagkapikunin kasi ako at maramdamin pero cute naman  kaya bawing bawi na din sa mga negative traits.
            Maganda ang aking kalusugan. Nakakakain naman ako ng tatlong beses sa isang araw na may extra pang miryenda, recess at kung minsan ay may midnight snack pa kaya sa paglalaro ko nalang ng basketball naibabawas ang tabang aking nakuha sa pagkain. Ngging paborito ko na ding laro  ito dahil kung minsan ay nagkakaroon ako ng pera dito mula sa pustahan.
            Noong ako anman ay bata pa, nagkaroon ako ng UTI. Dati kasi ay parang tingting ang pangangatawan ko  kasi pihikan akong  kumain. Ayaw kong kumain ng gulay kaya halos walang sustanya ang pumapasok sa katawan ko. Pero noong nagbinata na naman ako  ay nawala na din ang UTI ko kasi naging vegetarian na ako. Parang magic na sa biglang iglap ay kumakain na ako  ng gulay. Iniwasan ko na din ang pagkain ng mga junkfoods na isang malaking rason sa pagkawala ng aking UTI.
            At dahil nga sa malusog naman ako, wala naman akong  iniindang sakit ngayon. Wala din akong kinakaharap na mga medication. Tamang kain, tulog, at mag-aral nga lang ang gawain ko sa buong maghapo..
            Sa kundisyon naman ng mata ko, may konti akong problema doon pero hindi naman malala. Far sighted kasi ako pero kaya ko  pa namang basahin ang mga letra kahit na nasa malayo. Medyo may kalabuan nga lang pero ang mahalaga, nababasa ko pa naman. Pagdating naman sa kondisyon ng buto ko, nako, kahit ipaghampasan mo pa. Matibay yata ang  buto ko  kaya kung mabalian man ay hindi naman malalala. Gumagaling din kaagad matapos ang ilang araw.
            Noong kinder nga ako, nabangga ako ng motor. Syemprebata pa ako  noon kaya iisipin mo na baka nabalian ako pero hindi e. Dinala lang ako  sa ospital para patingnan kung may nakuha akong  bali pero wala namang nakita ang mga doktor. Tamang gasgas lang ang natamo ko noong mga panahong iyon.
            Kapag nasa bahay naman ako, naiiba ang ugali ko. Kung sa school ay palabiro ako at makulit, pagdating sa bahay, seryoso at istrikto ako. Ako pa nga ang nagpapangaral sa kapatid ko at kina mama at pap kapag may pagkakamali sila. Gusto ko lang namang itama ang nakikita kong pagkakamali nila para hindi sila magmukhang katawa-tawa sa paningin ng ibang tao.
            Family-oriented naman ako kahit may pagka nakakatakot ako sa bahay. Hindi ko pa  naranasang uminom ng alak, manigarilyo at lalong lalo na ang mag-adik. Maganda ang pagpapalaki ng magulang ko sakin. Mukha nga lang akong naka shabu kung mahyper ako dahil sa sobrang tuwa pero uulitin ko, hindi po talaga ako nagtatake ng ipinagbabawal na gamot.
            Kung tititigan mo ako, una mong mapapansin sakin ay ang nagsusumamo kong mga tigyawat pero dahil nga cute ako kaya mababale-wala mo ang mag pimples ko. Madami kasi akong magagandang asset gaya ng bibig, mata, ilong pero medyo sarat, at lalo na ang aking kilay na makapal. Pero sa likod ng aking pagiging cute ay may tinatago akong kahinaan, iyong ay ang gumawa ng mga gawaing bahay.



Inner Life
            Kung ikukumpara naman ako sa ibang estudyante, lalamang naman ako  ng isang paligo pagdating sa IQ. May utak naman ako kahit konti at may pangarap kaya nagsisikap akong  mag-aral. Pangarap kong  makapagtapos sa pag-aaral na may planong maging Cum laude para magkaroon ng magandang trabaho at ng sa ganyon, tuwing bibili ako sa SM ay hindi na ako titingnan sa  pricetag ng aking gustong bibilhin.
            Wonderful like I’m in Wonderland, ganayang kalawak ang aking imahinasyon. Parang adik pero gaya nga ng sabi ko, family-oriented ako  kaya for sure, hindi ako  adik. Yun nga lang, may pagka-slow ako minsan.
            Masayahin akong  tao kaya ayaw kong  pinoproblema ang problema. Hinahayaan kong  kalimutan ang problema at itinitira ko  ang masasasayang ala-ala na meron ako. Kaya kahit yung thesis na halos lahat ay namomroblema, ako, eto, papetiks petiks lang pero natatapos ko naman. Mas masaya kaya ang walang pinoproblema. Noong minsan nga ay nagkaroon kami  ng tampuhan nina Shiela at Gwen na tumagal din ng tatlong buwan pero hinayaan ko lang  na tadhana ang kusang gumawa ng ipagbabati namin.
            Sa klase, pinipilit kong para mapasama sa top. Ang pananaw ko kasi sa buhay, makukuha mo ang respeto ng ibang tao kung ikaw ay matalino. Noong nakaraanong taon ay lumaban kami sa BiƱan. Regional level yun ng Dramatic Choric Choir at nanalo naman  ng 2nd place.
            Maging sa talento ay mas pinaghuhusay ko din ang kung ano ang meron ako. Marami kasing nagsasabi na may potensyal ako sa pagkanta. Pero pagdating sa mga pang malakasang laro, maliban nalang sa basketball, hirap akong  tumagal sa paglalaro dahil mabilis akong mapagod tsaka mapapawisin ako.
            May kahibangan din din ako sa buhay.  Pangarap ko kayang  maging kasing talino si Einstein. Mukhang imposible pero malay mo, mabagong ako tapos bigla nalang akong mapasama sa mga Greatest Mathematician. Wala naman sigurong masamang mangarap diba.
            May mga kinatatakutan din ako pero hindi sa multo hah. Ito ay ang maiwanan ng mahahalagang tao sa buhay ko, heart breaks na dala ng kakirihan at ang mawalan ng pera. Pero yung mga taong, mayabang, mapagmataas, tapos matigas ang ulo na katulad ko ang mga ayaw  ko sa lahat. For short, ayaw kong makasama ang ikalawang ako. Kahit sino naman yata ay ayaw ng ganung klase ng tao.
            Ang maglakad  sa hallway ng nakahubad, yan na siguro  ang pinakanakakahiyang pede kong gawin sa buong buhay ko pero nako, malabo naman yata itong mangyari. Mabait kasi akong bata. Nagbabasa pa nga ako  ng bible at paborito ko pa ngang verse ng John 3:16.
            Magpakamatay, pumasok sa CR ng babae at umamin kay crush (torpe kasi). yan ang mga bagay na hindi ko kayang gawin sa buong buhay ko. Dejk lang. At kung gusto mong malaman sir ang sikreto ko, bigyan mo muna ako ng 100 sa card. Yaaah. Kahit anong sikreto ko, sasabihin ko sayo. Pasal  lang sa grades ano?
            Pagdating sa mga babae, conservative ako  lalo na sa mga kaibigan kong  babae. Ayaw kong nakikita ng naka-shorts ang mga babae kong kaibigan kaya sa tuwing may sumusuway sa aking polisiya, pinagsasabihan ko yung sumuway nay un tapos pinapauwi ko pa kapag malapit naman ang bahy para magpalit. Ayaw ko kasing may nababastos na kaibigan ko. Goodboy na, cute pa.
            May motibasyon din akong pinaniniwalaan kaya napapanatili ko ang  pagiging cute ko  at hindi nas-stress. Ito ay ang paniniwalang ang lahat ay may rason at ang lahat ay may solusyon. Kaya madalang lang akong  mamroblema sa buhay.



Life with Others
            Maganda naman ang estado ng pamumuhay namin. Hindi mahirap, hindi rin mayaman. Tamang nasa gitna lamang na may maayos at tahimik na pamumuhay. Yung tipong kahit problema ang lumalapit, kami nalang ang nag aadjust. Kasama ko sa bahay ang aking nag-iisang  kapatid, si mama at si papa at ang dalawa kong pasaway na  tita na lagi kong  pinoproblema dahil isip bata.
            Ang ama ko ay si  Mr. Antonio T. Elfa Jr. janitor siya sa isang public elementary school samantalang ang ina ko naman na si Mrs. Evelyn M. Elfa ay ang nag-aasikaso ng aming  tindahan ng school supplies. Bilib ako sa sipag ay dedikasyon ni papa para mabuhay kami. Si mama naman  ay sobrang diskarte at sobrang galing mag-ipon at magpalago ng pera.
            Mag-aral… mag-aral… mag-aral ng mabuti. Sa ganitong sistema umikot ang buhay ko noong bata pa ako. Ang  weird noh pero kinaya ko. Kaya nga nagkaroon naman ako ng konting utak nagagamit ko ngayon sa SHS. Ang lahat ng iyon ay dahil kay mama pero atleast, naging edge ko yun para maging masipag sa pag-aaral.
            Bago ako makatapak sa pribadong paaralan, nag-aral muna ako  sa pampublikong paaralan mula noong 3 taong gulang ako. Sa Pagbilao Central Elementary School ako nag elementarya samantalang sa Talipan National High School naman ako  nakatapos ng JHS.
            Noong elementary, ang hilig kong  asignatura ay Hekasi tapos noong nag JHS, saka ko natutunang mahalin ang Mathematics na hanggang sa ngayon ay naging hilig ko at dito ako nangunguna sa klase. Kaya naman isa ang Statistics sa mga paborito kong subject kasama na dito ang Earth and Life Science, DISS at Contemporary Arts.
            Sa CEFI, hindi ako  gaanong active sa mga organisasyon. Abala lang ang tingin ko dito sa pag-aaral. Mas maigi pang pagtuunan nalang ng pansin ang pag-aaral kesa magdagdag pa ako ng mga  gawaing pang-school.
            Pagdating naman sa buhay pag-ibig, maaga akong lumandi. Grade 6 pa lang ng una akong magkaroon nga kairog na hindi naman tumagal. Tamang nakikiuso nga lang siguro ako noon  sa mga kaklase ko noong elementary na halos lahat ay may kairog kaya nakigaya na lang din ako.
            Ito pa ang malupit, may natatanging talent ako  na lumalabas lang sa banyo tuwing maliligo, ang singing skills ko na parang nagcoconcert lang sa kawalan. Mabuti nalang at hindi napapangitan sa boses ko sina mama. Maganda daw kasi ang boses kaya ganun.
            Pagbilawin nga pala ako  na virgin pa pagdating sa sex at walng kaexpi-experience. Wala pa akong balak sa mga ganyang bagay. Dadating din naman ang tamang panahon para jan. konting tiis lang ng katigangan. Alang alang sa matiwasay na pag-aaral.
            May isa akong  itinuturing na best friend na mukhang unggoy. Siya ay si Mhay Nemedez na naging best friend ko  noong nasa JHS kami  dahil na din sa magkatabi kami  noong Grade 9 tapos  parehas pa  kaming  maingay at  nagkakasundo pa kami sa mga trip namin kaya ayun, naging magbestfriend kami.
            Tamang may hobby din  ako gaya ng paghiga, pagtulog at pagkain. Idagdag pa natin dito ang pagcecellphone maghapon para maglaro kasi wala akong kahilig-hilig sa pagbabasa. Wala pa nga yata akong  natatapos na basahing  libro. Tamang panonood lang talaga ang gusto ko at hindi ang magbasa ng isang series ng isang movie sa libro. Mas madali kayang  manood kesa magbasa.
            Christmas Party ang huli kong  napuntahang party. Hindi naman ako ganun  kahilig sa mga party party lalo na kung hindi ko kasama ang mga kaibigan ko kumpara sa mga kaklase ko ngayon sa SHS. Iba pa rin syempre kapag kaibigan mo ang mag-aakit. Mahirap silang tanggihan.
            Isa lang naman akong  normal na estudyante na nag-aaral sa SHS sa CEFI. Hindi famous pero marami rin naman DAW nakakakilala sakin. Isang binate  na kaya nang pumunta sa kung saan saang lugar ng solo lang, kayang magluto ng kakainin lalo na kapag gutom na gutom na talaga ako at isang cute na may sariling kwatro. Kung tatanungin mo ako tungkol sa ikababago ng bansa, mala-Miss Universe lang ang isasagot ko. Iyon an gang world peace. I thank you.

Home Life
            Ako si John Anthony M. Elfa, Anthony Elfa sa facebook, @anthoniiiii_24 sa twitter at AnthonyElfa sa instagram ay nakatira sa sarili naming  bahay sa Brgy. Del Carmen, Pagbilao, Quezon ng halos nasa 16 years na. may maayos na tirahan maliban nalang sa mga kapit-bahay na adik na nakapalibot samin.
            Sa bahay, kasama namin ang dalawa kong  tita na sina Maribel Merluza, isang matandang dalaga at si Leah Rodriguez. Kasama sila ni mama  para maging katulong sa tindahan. May pagkamagulo yung dalawa kong tiyahin kaya  mas gusto kong  mapag-isa sa kwatro para makadama ng katahimikan.
            Kung magkakaroon nga lang sana ako ng sarili kong bahay, baka dun na ako tumira para makalayo dyan sa dalawa kong tita na isip bata pero narealize ko, hindi ko pa pala kayang mabuhay ng mag isa. Tamang umaasa pa ako sa mahulang ko. Wala pa naman akong trabaho na ipangsusustento sa sarili ko.
            Tutal, maganda naman ang bahay namin kaya mas mainam na dun nalang muna siya tumira. Mahirap pang mabuhay ng walang trabaho pero kung magkakaroon na siya ng sariling bahay at trabaho, baka magpaparty ako sa  magiging bahay ko  kasama ang mga kaibigan ko.
            Sa salas ang pinakagusto kong lugar sa bahay. Nandun kasi ang electricfan, sofa at lalong lalo na, ang wifi. Parang nasa paraiso nga ang pakiramdam ko na nagbabaksyon lang tuwing pepwesto ako sa lugar na iyon. Pero gusto ko din naman ang silid-tulugan ko. May malambot na unan dun tsaka abot din naman dun ng wifi. At isa pa ay ang kusina na kung saan matatagpuan ang pagkain.
            Noong nakaraang New Year naging sobrang saya sa bahay matapos dumating ang  mga pinsan ko  mula sa Maynila. Nagkaroon ng salo salo para sa Medya Noche tsaka pamusay na labis na  ikinatuwa ng lahat dahil nakarami kami ng perang naagaw.
            Medyo masakit nga lang sa bulsa ni mama noong  nagmusay siya  pero sulit naman ang pera na iminusay. Malaki ang pakinabang naming magpipinsan sa perang aming naagaw  lalo na at mahirap ang pamumuhay. Sipag lang sa pang-aagaw ang puhunan. Magtitiis ka nga lang sa pangbabalya ng mga matitindi ang pangangailangan.
            Yung masama ko  namang karanasan ay nung bata pa ako. Grade 1 yata ako nun.  Syempre, may pagkapasaway ako pero lalo na yung kapatid ko. Dahil nga panganay ako, ako at ako ang  laging napapalo tuwing mag-aaway kami  ng kapatid ko. Pinakamasaklap kong  karanasan ay noong sinampal ako  ni mama at nabungian ako ng ngipin sa lakas ng sampal niya.
            Balik tayo sa bahay. Dalawang palapag ang  bahay namin at sa 2nd floor  naroroon ang mga kwatro namin . Nasa baba naman ang aming  CR at may kadiliman sa baba kapag nasa taas na ang lahat para matulog kaya kung minsan, kapag naiihi ako ay iniimpidi ko nalang ang ihi ko  dahil napapanlaw ako minsan.  Para kasing may  multo sa baba ng bahay kahit wala naman.
            Kung maghahanap ka ng bad vibes sa bahay namin, wala ka dung makikitang ganun. Umaapaw sa good vibes sa bahay. May TV na naka CaTV, wifi na medyo mabilis at computer. Walang sikre-sikreto sa bahay. Lahat ng bagay ay lantarang nakakalat lang kasi kami-kami  lang din naman ang nasa bahay.. Yung pera na kahit saan mo ilagay, hindi yun mawawala kasi wala namang kukuha dun.

            Pero meron akong madilim  na sikreto. Isang sobrang dilim na sikreto na baka ikagulat mo. Natatanging sikreto na ginagawa ko sa bahay kapag solo ako. Ito ay ang … ubusin ang masarap na gamot  ni mama na nakalagay sa ref  ng hindi namamalayan ng sino man. Yun lang ang aking  malagim  na sikreto sa bahay.