Physical Aspect
Noong ika-24 ng Abril taong 2000,
may isang cute na batang lalaki ang ipinanganak sa lungsod ng Lucena. Saksakan
daw ito ng ka-cute-an kaya naman labis na tuwa ang naramdaman ng kanyang
magulang ng siya ay masilayan. Ang pangalan niya ay John Anthony M. Elfa at ako
iyon.
Lumipas ang labing anim na taon,
lumaki naman ako pero hindi naman ganun katangkaran. Ang maipagmamalaki ko lang siguro ay ang pagiging cute ko na nadala ko pa simula bata pa ako at idagdag
mo pa ditto ang taba na kusa nalang umusbong. Ito ang madalas pansinin sakin ng
mga dating kong kaklase noong JHS maging ng mga kasalukuyan kong mga kaklase sa
SHS.
Masaya naman akong kasama. Tumatawa, nakikipag
kwentuhan, nang-aasar, pero ingatan mo kapag tumahimik na ako. Maninibago ka
pagtahimik ko kasi hindi naman ako ganun.
Baka badtrip na ako ng lagay na yun. May pagkapikunin kasi ako at maramdamin pero
cute naman kaya bawing bawi na din sa mga
negative traits.
Maganda ang aking kalusugan.
Nakakakain naman ako ng tatlong beses sa isang araw na may extra pang miryenda,
recess at kung minsan ay may midnight snack pa kaya sa paglalaro ko nalang ng
basketball naibabawas ang tabang aking nakuha sa pagkain. Ngging paborito ko na
ding laro ito dahil kung minsan ay
nagkakaroon ako ng pera dito mula sa pustahan.
Noong ako anman ay bata pa,
nagkaroon ako ng UTI. Dati kasi ay parang tingting ang pangangatawan ko kasi pihikan akong kumain. Ayaw kong kumain ng gulay kaya halos
walang sustanya ang pumapasok sa katawan ko. Pero noong nagbinata na naman ako ay nawala na din ang UTI ko kasi naging
vegetarian na ako. Parang magic na sa biglang iglap ay kumakain na ako ng gulay. Iniwasan ko na din ang pagkain ng
mga junkfoods na isang malaking rason sa pagkawala ng aking UTI.
At dahil nga sa malusog naman ako,
wala naman akong iniindang sakit ngayon.
Wala din akong kinakaharap na mga medication. Tamang kain, tulog, at mag-aral
nga lang ang gawain ko sa buong maghapo..
Sa kundisyon naman ng mata ko, may
konti akong problema doon pero hindi naman malala. Far sighted kasi ako pero
kaya ko pa namang basahin ang mga letra
kahit na nasa malayo. Medyo may kalabuan nga lang pero ang mahalaga, nababasa
ko pa naman. Pagdating naman sa kondisyon ng buto ko, nako, kahit ipaghampasan
mo pa. Matibay yata ang buto ko kaya kung mabalian man ay hindi naman
malalala. Gumagaling din kaagad matapos ang ilang araw.
Noong kinder nga ako, nabangga ako
ng motor. Syemprebata pa ako noon kaya
iisipin mo na baka nabalian ako pero hindi e. Dinala lang ako sa ospital para patingnan kung may nakuha
akong bali pero wala namang nakita ang
mga doktor. Tamang gasgas lang ang natamo ko noong mga panahong iyon.
Kapag nasa bahay naman ako, naiiba
ang ugali ko. Kung sa school ay palabiro ako at makulit, pagdating sa bahay,
seryoso at istrikto ako. Ako pa nga ang nagpapangaral sa kapatid ko at kina
mama at pap kapag may pagkakamali sila. Gusto ko lang namang itama ang nakikita
kong pagkakamali nila para hindi sila magmukhang katawa-tawa sa paningin ng
ibang tao.
Family-oriented naman ako kahit may
pagka nakakatakot ako sa bahay. Hindi ko pa
naranasang uminom ng alak, manigarilyo at lalong lalo na ang mag-adik.
Maganda ang pagpapalaki ng magulang ko sakin. Mukha nga lang akong naka shabu
kung mahyper ako dahil sa sobrang tuwa pero uulitin ko, hindi po talaga ako
nagtatake ng ipinagbabawal na gamot.
Kung tititigan mo ako, una mong
mapapansin sakin ay ang nagsusumamo kong mga tigyawat pero dahil nga cute ako
kaya mababale-wala mo ang mag pimples ko. Madami kasi akong magagandang asset
gaya ng bibig, mata, ilong pero medyo sarat, at lalo na ang aking kilay na
makapal. Pero sa likod ng aking pagiging cute ay may tinatago akong kahinaan,
iyong ay ang gumawa ng mga gawaing bahay.
Inner Life
Kung
ikukumpara naman ako sa ibang estudyante, lalamang naman ako ng isang paligo pagdating sa IQ. May utak
naman ako kahit konti at may pangarap kaya nagsisikap akong mag-aral. Pangarap kong makapagtapos sa pag-aaral na may planong
maging Cum laude para magkaroon ng magandang trabaho at ng sa ganyon, tuwing bibili
ako sa SM ay hindi na ako titingnan sa
pricetag ng aking gustong bibilhin.
Wonderful
like I’m in Wonderland, ganayang kalawak ang aking imahinasyon. Parang adik
pero gaya nga ng sabi ko, family-oriented ako
kaya for sure, hindi ako adik.
Yun nga lang, may pagka-slow ako minsan.
Masayahin
akong tao kaya ayaw kong pinoproblema ang problema. Hinahayaan kong kalimutan ang problema at itinitira ko ang masasasayang ala-ala na meron ako. Kaya
kahit yung thesis na halos lahat ay namomroblema, ako, eto, papetiks petiks
lang pero natatapos ko naman. Mas masaya kaya ang walang pinoproblema. Noong
minsan nga ay nagkaroon kami ng tampuhan
nina Shiela at Gwen na tumagal din ng tatlong buwan pero hinayaan ko lang na tadhana ang kusang gumawa ng ipagbabati namin.
Sa
klase, pinipilit kong para mapasama sa top. Ang pananaw ko kasi sa buhay,
makukuha mo ang respeto ng ibang tao kung ikaw ay matalino. Noong nakaraanong
taon ay lumaban kami sa Biñan. Regional level yun ng Dramatic Choric Choir at
nanalo naman ng 2nd place.
Maging
sa talento ay mas pinaghuhusay ko din ang kung ano ang meron ako. Marami kasing
nagsasabi na may potensyal ako sa pagkanta. Pero pagdating sa mga pang
malakasang laro, maliban nalang sa basketball, hirap akong tumagal sa paglalaro dahil mabilis akong
mapagod tsaka mapapawisin ako.
May
kahibangan din din ako sa buhay. Pangarap ko kayang maging kasing talino si Einstein. Mukhang
imposible pero malay mo, mabagong ako tapos bigla nalang akong mapasama sa mga
Greatest Mathematician. Wala naman sigurong masamang mangarap diba.
May
mga kinatatakutan din ako pero hindi sa multo hah. Ito ay ang maiwanan ng
mahahalagang tao sa buhay ko, heart breaks na dala ng kakirihan at ang mawalan
ng pera. Pero yung mga taong, mayabang, mapagmataas, tapos matigas ang ulo na
katulad ko ang mga ayaw ko sa lahat. For
short, ayaw kong makasama ang ikalawang ako. Kahit sino naman yata ay ayaw ng
ganung klase ng tao.
Ang
maglakad sa hallway ng nakahubad, yan na
siguro ang pinakanakakahiyang pede kong
gawin sa buong buhay ko pero nako, malabo naman yata itong mangyari. Mabait
kasi akong bata. Nagbabasa pa nga ako ng
bible at paborito ko pa ngang verse ng John 3:16.
Magpakamatay,
pumasok sa CR ng babae at umamin kay crush (torpe kasi). yan ang mga bagay na
hindi ko kayang gawin sa buong buhay ko. Dejk lang. At kung gusto mong malaman sir
ang sikreto ko, bigyan mo muna ako ng 100 sa card. Yaaah. Kahit anong sikreto ko,
sasabihin ko sayo. Pasal lang sa grades
ano?
Pagdating
sa mga babae, conservative ako lalo na
sa mga kaibigan kong babae. Ayaw kong
nakikita ng naka-shorts ang mga babae kong kaibigan kaya sa tuwing may
sumusuway sa aking polisiya, pinagsasabihan ko yung sumuway nay un tapos
pinapauwi ko pa kapag malapit naman ang bahy para magpalit. Ayaw ko kasing may
nababastos na kaibigan ko. Goodboy na, cute pa.
May
motibasyon din akong pinaniniwalaan kaya napapanatili ko ang pagiging cute ko at hindi nas-stress. Ito ay ang paniniwalang
ang lahat ay may rason at ang lahat ay may solusyon. Kaya madalang lang akong mamroblema sa buhay.
Life with Others
Maganda
naman ang estado ng pamumuhay namin. Hindi mahirap, hindi rin mayaman. Tamang
nasa gitna lamang na may maayos at tahimik na pamumuhay. Yung tipong kahit
problema ang lumalapit, kami nalang ang nag aadjust. Kasama ko sa bahay ang
aking nag-iisang kapatid, si mama at si
papa at ang dalawa kong pasaway na tita
na lagi kong pinoproblema dahil isip
bata.
Ang
ama ko ay si Mr. Antonio T. Elfa Jr. janitor
siya sa isang public elementary school samantalang ang ina ko naman na si Mrs.
Evelyn M. Elfa ay ang nag-aasikaso ng aming
tindahan ng school supplies. Bilib ako sa sipag ay dedikasyon ni papa
para mabuhay kami. Si mama naman ay
sobrang diskarte at sobrang galing mag-ipon at magpalago ng pera.
Mag-aral…
mag-aral… mag-aral ng mabuti. Sa ganitong sistema umikot ang buhay ko noong
bata pa ako. Ang weird noh pero kinaya ko.
Kaya nga nagkaroon naman ako ng konting utak nagagamit ko ngayon sa SHS. Ang
lahat ng iyon ay dahil kay mama pero atleast, naging edge ko yun para maging
masipag sa pag-aaral.
Bago
ako makatapak sa pribadong paaralan, nag-aral muna ako sa pampublikong paaralan mula noong 3 taong
gulang ako. Sa Pagbilao Central Elementary School ako nag elementarya
samantalang sa Talipan National High School naman ako nakatapos ng JHS.
Noong
elementary, ang hilig kong asignatura ay
Hekasi tapos noong nag JHS, saka ko natutunang mahalin ang Mathematics na
hanggang sa ngayon ay naging hilig ko at dito ako nangunguna sa klase. Kaya
naman isa ang Statistics sa mga paborito kong subject kasama na dito ang Earth
and Life Science, DISS at Contemporary Arts.
Sa
CEFI, hindi ako gaanong active sa mga
organisasyon. Abala lang ang tingin ko dito sa pag-aaral. Mas maigi pang
pagtuunan nalang ng pansin ang pag-aaral kesa magdagdag pa ako ng mga gawaing pang-school.
Pagdating
naman sa buhay pag-ibig, maaga akong lumandi. Grade 6 pa lang ng una akong
magkaroon nga kairog na hindi naman tumagal. Tamang nakikiuso nga lang siguro
ako noon sa mga kaklase ko noong
elementary na halos lahat ay may kairog kaya nakigaya na lang din ako.
Ito
pa ang malupit, may natatanging talent ako na lumalabas lang sa banyo tuwing maliligo,
ang singing skills ko na parang nagcoconcert lang sa kawalan. Mabuti nalang at
hindi napapangitan sa boses ko sina mama. Maganda daw kasi ang boses kaya
ganun.
Pagbilawin
nga pala ako na virgin pa pagdating sa
sex at walng kaexpi-experience. Wala pa akong balak sa mga ganyang bagay.
Dadating din naman ang tamang panahon para jan. konting tiis lang ng
katigangan. Alang alang sa matiwasay na pag-aaral.
May
isa akong itinuturing na best friend na
mukhang unggoy. Siya ay si Mhay Nemedez na naging best friend ko noong nasa JHS kami dahil na din sa magkatabi kami noong Grade 9 tapos parehas pa kaming
maingay at nagkakasundo pa kami
sa mga trip namin kaya ayun, naging magbestfriend kami.
Tamang
may hobby din ako gaya ng paghiga,
pagtulog at pagkain. Idagdag pa natin dito ang pagcecellphone maghapon para
maglaro kasi wala akong kahilig-hilig sa pagbabasa. Wala pa nga yata akong natatapos na basahing libro. Tamang panonood lang talaga ang gusto
ko at hindi ang magbasa ng isang series ng isang movie sa libro. Mas madali kayang
manood kesa magbasa.
Christmas
Party ang huli kong napuntahang party.
Hindi naman ako ganun kahilig sa mga
party party lalo na kung hindi ko kasama ang mga kaibigan ko kumpara sa mga
kaklase ko ngayon sa SHS. Iba pa rin syempre kapag kaibigan mo ang mag-aakit.
Mahirap silang tanggihan.
Isa
lang naman akong normal na estudyante na
nag-aaral sa SHS sa CEFI. Hindi famous pero marami rin naman DAW nakakakilala
sakin. Isang binate na kaya nang pumunta
sa kung saan saang lugar ng solo lang, kayang magluto ng kakainin lalo na kapag
gutom na gutom na talaga ako at isang cute na may sariling kwatro. Kung
tatanungin mo ako tungkol sa ikababago ng bansa, mala-Miss Universe lang ang
isasagot ko. Iyon an gang world peace. I thank you.
Home Life
Ako
si John Anthony M. Elfa, Anthony Elfa sa facebook, @anthoniiiii_24 sa twitter
at AnthonyElfa sa instagram ay nakatira sa sarili naming bahay sa Brgy. Del Carmen, Pagbilao, Quezon ng
halos nasa 16 years na. may maayos na tirahan maliban nalang sa mga kapit-bahay
na adik na nakapalibot samin.
Sa
bahay, kasama namin ang dalawa kong tita
na sina Maribel Merluza, isang matandang dalaga at si Leah Rodriguez. Kasama
sila ni mama para maging katulong sa tindahan.
May pagkamagulo yung dalawa kong tiyahin kaya mas gusto kong mapag-isa sa kwatro para makadama ng
katahimikan.
Kung
magkakaroon nga lang sana ako ng sarili kong bahay, baka dun na ako tumira para
makalayo dyan sa dalawa kong tita na isip bata pero narealize ko, hindi ko pa
pala kayang mabuhay ng mag isa. Tamang umaasa pa ako sa mahulang ko. Wala pa
naman akong trabaho na ipangsusustento sa sarili ko.
Tutal,
maganda naman ang bahay namin kaya mas mainam na dun nalang muna siya tumira.
Mahirap pang mabuhay ng walang trabaho pero kung magkakaroon na siya ng
sariling bahay at trabaho, baka magpaparty ako sa magiging bahay ko kasama ang mga kaibigan ko.
Sa
salas ang pinakagusto kong lugar sa bahay. Nandun kasi ang electricfan, sofa at
lalong lalo na, ang wifi. Parang nasa paraiso nga ang pakiramdam ko na nagbabaksyon
lang tuwing pepwesto ako sa lugar na iyon. Pero gusto ko din naman ang silid-tulugan
ko. May malambot na unan dun tsaka abot din naman dun ng wifi. At isa pa ay ang
kusina na kung saan matatagpuan ang pagkain.
Noong
nakaraang New Year naging sobrang saya sa bahay matapos dumating ang mga pinsan ko mula sa Maynila. Nagkaroon ng salo salo para sa
Medya Noche tsaka pamusay na labis na ikinatuwa ng lahat dahil nakarami kami ng
perang naagaw.
Medyo
masakit nga lang sa bulsa ni mama noong nagmusay siya pero sulit naman ang pera na iminusay. Malaki
ang pakinabang naming magpipinsan sa perang aming naagaw lalo na at mahirap ang pamumuhay. Sipag lang
sa pang-aagaw ang puhunan. Magtitiis ka nga lang sa pangbabalya ng mga
matitindi ang pangangailangan.
Yung
masama ko namang karanasan ay nung bata pa
ako. Grade 1 yata ako nun. Syempre, may
pagkapasaway ako pero lalo na yung kapatid ko. Dahil nga panganay ako, ako at
ako ang laging napapalo tuwing mag-aaway
kami ng kapatid ko. Pinakamasaklap kong karanasan ay noong sinampal ako ni mama at nabungian ako ng ngipin sa lakas
ng sampal niya.
Balik
tayo sa bahay. Dalawang palapag ang bahay
namin at sa 2nd floor naroroon
ang mga kwatro namin . Nasa baba naman ang aming CR at may kadiliman sa baba kapag nasa taas na
ang lahat para matulog kaya kung minsan, kapag naiihi ako ay iniimpidi ko
nalang ang ihi ko dahil napapanlaw ako
minsan. Para kasing may multo sa baba ng bahay kahit wala naman.
Kung
maghahanap ka ng bad vibes sa bahay namin, wala ka dung makikitang ganun.
Umaapaw sa good vibes sa bahay. May TV na naka CaTV, wifi na medyo mabilis at
computer. Walang sikre-sikreto sa bahay. Lahat ng bagay ay lantarang nakakalat
lang kasi kami-kami lang din naman ang nasa
bahay.. Yung pera na kahit saan mo ilagay, hindi yun mawawala kasi wala namang
kukuha dun.
Pero
meron akong madilim na sikreto. Isang
sobrang dilim na sikreto na baka ikagulat mo. Natatanging sikreto na ginagawa
ko sa bahay kapag solo ako. Ito ay ang … ubusin ang masarap na gamot ni mama na nakalagay sa ref ng hindi namamalayan ng sino man. Yun lang
ang aking malagim na sikreto sa bahay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento