Minamahal Naming Pangulong Rodrigo R. Duterte,
Unang -una po, binabati ko po kayo ng isang magandang araw. Ako po, bilang isang estudyante, ay lubos na magagalak kung mababasa n'yo man ang sulat kong ito. Isang prebelehiyo ang mabasa ang aking sulat ng pinakamataas na pinuno ng ating bansa.
Nais ko pong batiin kayo sa inyong magandang simula sa pamahalaan at ang mataas ninyong satisfaction rating na inyong pinagpursigihang makuha mula sa taong bayan. Hindi lamang mga Pilipino ang bumilib sainyong kampanya laban sa droga, maging ang ibang bansa ay laman ng usapin ito dahil sa malaki ang nabago sa sistema ng ating bansa simula ng maupo kayo sa pwesto.
Ngunit, hindi lahat ng tao ay pabor ang inyong uri ng pamamalakad. Sa katunayan nga po nito ay may mga bansa rin ang bumabatikos sa kamay na bakal ninyong pagdidisplina sa bansa. Maging ang mga kaparian ay inyong nakalaban ukol sa usaping "war on drugs" at ang napapabalitang "extra judicial killings" sa bansa.
Bilang isang kabataan po, nais ko po sanang magpahayag ng saloobin ukol sa mga isyung kanasasangkutan ninyo. Maging ako rin po naman ay bilib sa biglaang pagbabago ng mga Pilipino dahil sa inyong kampanyang "war on drugs" ngunit naaalarma lang po ako kasi may mga napapabalita pong maging ang mga inosenteng mamamayan ay nadadamay.
Minsan po kasi nang ako ay nanonood ng TV ay may napabalitang mag-na ang namatay matapos umanong manlaban sa pulis ang mga biktima ng sila ay hinuli. Ang mga napatay ay isang byudang babae at isang batang lalaki. Kapani-paniwala po bang ang sinabi ng mga pulis na isang bata at isang babae ay makukuha pang manlaban na aabot sa kamatayan? Nais ko po sanang ang mga pulis ay maging disiplinado rin. Kapansin-pansin po kasi na paulit ulit na lang ang rason na kanilang laging sinasabi kapag napatay nila ang mga hinuli nila. Lagi nalang nanlaban.
Isa pa po ng isyu na gusto kong mabigyan ng sapat na aksyon ay ang inyong pamahalaan ay nasasangkot sa talamak na kaso ng "extra judicial killings" na halos araw-araw ay may namamatay.
Bilang estudyante, natatakot ako kahit sabihin nating wala naman akong kasalanan. NAtatakot ako na isang araw, mapagbintangan ako at mapadamay sa mga gumadaming bilang na resulta ng EJK.
Nais ko po sanang mahuli ninyo ang mga taong sangkot sa EJK. Ito ay para sa seguridad ko, ng pamilya ko, at maging ng kapwa ko Pilipino na ginagawa angkanilang tungkulin sa bayan. kaligtasan ko lang po ang iniisip ko dahil mahirap na ang madamay nang wala namang kasalanan.
Ito po ang aking hinaing aming mahal na pangulo. Nawa'y magkaroon po kayo ng aksyon sa mga sinabi ko pong hinaing para sa ikabubuti ng kalagayan ng mga mamamayan ng ating bansa.
Muli po, bumabati po ako ng magandang araw at sumasaludo po akosa inyo dahil sa ginawa ninyong pagbabago sa ating bansa. Pagpalain po kayo nawa ng ating Panginoon sa inyong kampanya para sa ikakaayos ng ating bansa.\
Mula sa Tinig ng may Paggalang,
John Anthony M. Elfa
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento