Ika-10
ng Disyembre, Sabado, nagkaroon ng isang oryentasyon ukol sa Human Rights. Ang
mga nagsipagdalo ay mga estudyate ng G11 HUMSS
ng Calayan Educational Foundation Inc. (CEFI). Mga alas-otso ng umaga ay
marami nang estudyante ang nasa Pacific Mall. Mga naliligaw sila dahil hindi
nila alam noon kung saan nga ba gaganapin ang nasabing pagtitipon. Halos isang
oras na ang nakalipas ng malaman nila kung saan gaganapin ang venue at sa may
basketball-an pala iyon gaganapin.Madami sa mga estudyante ang nagulat dahil
hindi nila inasahan na duon lang pala gaganapin ang event.
Dahil
masama noon ang panahon ay may manaka-nakang pag-ambon ay napagdesisyunan ng
grupong may paganap ng event na lumipat ng venue sa 3rd floor,
saloob ng Pacific Mall. Ng making ito ng mga estudyante ay agad ding nagsitungo
ang mga ito sa nasabing event.
Nag-ayos
pa ang mag oorganisa ng event kaya naman ang ilan sa mga kabataan ay kumain
muna dahil na din sa gutom. Ang ilan namn sa kanila ay naglibot nalang para
hindi mainip.
Halos
10:00 na nga magsimula ang talakayan ukol sa Human Rights. Nagkaroon din ng mga
pagpapakitang gilas ng kanikanilang mga talento ang mga estudyante sa
pangunguna ni Oyi Lorico. Matapos ni Oyi ay sinundan siya ng marami pang
kabataan upang magpakita ng talento. Hindi naglaon ay pumatak na ang alas-dose
at panandaliang pinatigil ng organizer ang naturang pagpapakita ng talento ng
mga kabataan upang magtanghalian ang mga ito.
Ala-una
na nang bumalik ang mga kabataan. Kapansin pansin ang mga larawang nakadikit sa
mga poste. “Mga biktima marahil ng Martial Law
ang mga taong nakapinta dito.” Usisa ng mga kabataang nakapansin. Meron
ding dalawang lalaki duon na nagpipinta ng kulay pulang pintura sa isang telang
puti. Marami ang umusisa sa kung anong imahe kaya ang gagawin ng dalawa.
Nang
magsimula na ulit ang pagtitipon, may ipinanood muna sa estudyante na isang Indie Film na pinagbibidahan ni Eugine
Domingo. Ang kwento ay patungkol sa isang byudang babae na naging barbero matapos
mamatay ng kanyang asawa at kalaunan ay sumama sa isang tulisan matapos niyang
patayin ang mayor ng kanilang bayan.
Sa
pelikulang ito ay malalaman mo na talaga ang mga tema o usapin na kinaharap ng
mga tao sa panahon ng diktaturya ni Marcos.
Matapos
ang palabas ay nagkaroon ng mga ilang tao na nagbahagi ng kanilang saloobin
patungkol na nga sa Human Rights. Isa lang ang nais na palitawin ng mga ito sa
kanilang sinabi, ayaw nilang maranasan ulit ang pagkawala ng kalayaan.
Sabi ni
Christopher Fernandez sa amin,
“Ginagawa
naming ito para na din sa inyong mga kabataan para mamulat din kayo sa
nangyayari sa ating paligid. Para na din maging aware kayo tsaka hindi naman
kasi lahat ng sinasabi namin dito ay itinutro ng mga guro nyo sa school. Kailangan
nating magbasa at magbigay pansin sa kasaysayan upang malaman natin ang leksyon
ng nakaraan na pede nating magamit sa kasalukuyan.”
“Ang
mga galawan kasi ni Duterte ngayon ay malaki ang kapareha sa istilong ginawa
noon ni Marcos. Ginigising namin kayong mga kabataan kasi kung
magbibingi-bingihan kayo sa mga nangyayari sa ating paligid, ay baka dahan
dahan ding mawala ang kalayaang ating tinatamasa ng hindi ninyo nalalaman.”
Dagdag pa niya sa amin
“ Pero
hindi naman ako taliwan sa ating pangulo. Lumbaga, pabor ako sa mga mabuting
ginagawa niya (Duterte) para sa ikaaayos n gating bansa pero sa mga desisyon niya na hindi nakakabuti sa mga
mamamayan, siguro ay hindi ako sang-ayon dun. Kasi may maganda naman siyang
hangarin kaya lang, yung mga ibang bagay na nakakasama sa mga Pilipino, against
ako dun”
”Pero
ano nga ba ang nag-udyok sa inyo para sumali sa pagtitipon na ito?” Tanong ni
Annalisa.
“Kasi
ano, aaminin ko na sociorealist ang media ko talaga at bilang isang
sociorealist ay kailangang maging aware ka sa lipunan. Wala pa naman akong
nararanasang dahas pero bilabf isang artist, kelangan ko ng konsepto na
gagamitin ko para maipahayag ang isang obra. Pero hindi lahat ng obra ko ay
patungkol sa Martial Law. Meron din akong ang tema ay sosyalidad,, history,
basta sumasalamin sa Pilipino culture”
Ayon
naman kay Joel Boncay, isang rapper na
hindi naman daw niya naranasan ang Martial Law kasi batang ’90 naman daw
siya pero sinasalin siya yung mga gusto nilang sabihin sa kanta. Napansin kasi
niya na mahilig ang mga kabataan sa rap kaya naisip niya nagawing propaganda
ito.
“Yung
mga kanta kasi ngayon ay halos tungkol lang sa weeds,sex, pera, puro sarili
lang nila. So kelangan nating alisin yun. Ang mas kailangan natin ay yung may
panawagan. At the same time, natutulungan natin yung mga tao gaya ng Lumad,
yung mga indigenous people. Ginawan naming sila ng original composition.”
“May
personal po ba kayong karanasan na nag udyok sa inyo na sumali kayo dito?”
usisa ni Annalisa.
“Ahmm…
dati, hindi pa ako involve sa organization. Artist lang ako noon pero parang
God’s plan na din ang lahat kasi nakilala ko sila last year. Tapos ayun, nabuo
naming yung kantang Kidapawan Massacre.”
“Eh,
ano naman pong masasabi nyo sa mga kabataan ngayon?”
“Ayun,
tayo nalang kasi ang magbabago sa kasaysayan. Ganto pa lang tayong mga kabataan
pero tinitingnan natin ang mangyayari kaya walang nangyayari. Kailangan natin
bilang estudyante,mga millennial, kasi ano… may kasabihan tayo na once na tayo
ay namulat, masama na ang pumikit.”
“Kumbaga,
ang gusto lang na iparating ng kasabihan na iyon, halimbbawa, yung kaklase mo, nakikita mong ninanakawan ng
kapwa mo kaklase pero wala kang sinabi pero nakita mo yung totoo, parang Shet.
Mas makasalanan ka pa sa nangnakaw kasi nakita mo na e. Ganun ang kelangan
nating gawin ngayon.
“Tayo,
bilang kabataan na ang oobserve ng mga nangyayari, economic, mga politics,
kailangan nating ano yun… ipalaganap via social media or ano. Ok lang na mag
rant yun kesa naman mababasa natin ngayon sa facebook. Shet. Ina-unfriend ko
nalang sila.”
“
Kailangan naman kasi yung mababasa nila sa newsfeed natin ay yung may sense.
May mapupulot silang aral. Yun an lang din ang masasabi ko sa mga
estudyante na mas pagyamanin pa natin
yung mga talent natin. Malaki din ang maitutulong nun para mai-spread natin sa
mas nakakarami na may ganto palang nangyayari. Gaya ng mga katutubo sa Mindanao
na kinukuha ang lupain nila para gawing minahan. Diba ang Shet lang kasi sila
tong mga ninuno natin pero sila itong pinapaalis.”
“Dapat,
hindi lang tao estudyamte, hindi lang tayo millennial. Dapat may pakialam din
tayo kasi kumh walang katulad nila (kasamihan niya), namin, hindi tayo uunlad.
Lalo tayong lulubog. Kung ano nalang ang ipagawa satin, yun nalang ang agagwin
natin. Buti nga at may katulad pa naming na lumalaban tungkol sa gantong usapin
tulad ni Sir Alvin. Nakakaline up na rin
kasi naming si Sir Alvin sa poetry reading kaya sabi naming eh iinvite kayo
para mas mabuksan ang kanilang kaalaman
tungkol sa ganitong usapin.”
Ilang
lang sila sa mga taong nanduon na aming nakapanayam pero makikita natin doon
ang kanilang pakialam sa ating bayan.
Hindi
na naming tinapos ang nasabing event dahil maggagabi na rin noon. Sabin g ibang
estudyante na naiwan ay nagsindi pa sila ng kandila at nagmatsa.