Huwebes, Marso 30, 2017

Reportage: A Martial Law Story

                Ika-10 ng Disyembre, Sabado, nagkaroon ng isang oryentasyon ukol sa Human Rights. Ang mga nagsipagdalo ay mga estudyate ng G11 HUMSS  ng Calayan Educational Foundation Inc. (CEFI). Mga alas-otso ng umaga ay marami nang estudyante ang nasa Pacific Mall. Mga naliligaw sila dahil hindi nila alam noon kung saan nga ba gaganapin ang nasabing pagtitipon. Halos isang oras na ang nakalipas ng malaman nila kung saan gaganapin ang venue at sa may basketball-an pala iyon gaganapin.Madami sa mga estudyante ang nagulat dahil hindi nila inasahan na duon lang pala gaganapin ang event.
                Dahil masama noon ang panahon ay may manaka-nakang pag-ambon ay napagdesisyunan ng grupong may paganap ng event na lumipat ng venue sa 3rd floor, saloob ng Pacific Mall. Ng making ito ng mga estudyante ay agad ding nagsitungo ang mga ito sa nasabing event.
                Nag-ayos pa ang mag oorganisa ng event kaya naman ang ilan sa mga kabataan ay kumain muna dahil na din sa gutom. Ang ilan namn sa kanila ay naglibot nalang para hindi mainip.
                Halos 10:00 na nga magsimula ang talakayan ukol sa Human Rights. Nagkaroon din ng mga pagpapakitang gilas ng kanikanilang mga talento ang mga estudyante sa pangunguna ni Oyi Lorico. Matapos ni Oyi ay sinundan siya ng marami pang kabataan upang magpakita ng talento. Hindi naglaon ay pumatak na ang alas-dose at panandaliang pinatigil ng organizer ang naturang pagpapakita ng talento ng mga kabataan upang magtanghalian ang mga ito.
                Ala-una na nang bumalik ang mga kabataan. Kapansin pansin ang mga larawang nakadikit sa mga poste. “Mga biktima marahil ng Martial Law  ang mga taong nakapinta dito.” Usisa ng mga kabataang nakapansin. Meron ding dalawang lalaki duon na nagpipinta ng kulay pulang pintura sa isang telang puti. Marami ang umusisa sa kung anong imahe kaya ang gagawin ng dalawa.
                Nang magsimula na ulit ang pagtitipon, may ipinanood muna sa estudyante na  isang Indie Film na pinagbibidahan ni Eugine Domingo. Ang kwento ay patungkol sa isang byudang babae na naging barbero matapos mamatay ng kanyang asawa at kalaunan ay sumama sa isang tulisan matapos niyang patayin ang mayor ng kanilang bayan.
                Sa pelikulang ito ay malalaman mo na talaga ang mga tema o usapin na kinaharap ng mga tao sa panahon ng diktaturya ni Marcos.
                Matapos ang palabas ay nagkaroon ng mga ilang tao na nagbahagi ng kanilang saloobin patungkol na nga sa Human Rights. Isa lang ang nais na palitawin ng mga ito sa kanilang sinabi, ayaw nilang maranasan ulit ang pagkawala ng kalayaan.
                Sabi ni Christopher Fernandez sa amin,
                “Ginagawa naming ito para na din sa inyong mga kabataan para mamulat din kayo sa nangyayari sa ating paligid. Para na din maging aware kayo tsaka hindi naman kasi lahat ng sinasabi namin dito ay itinutro ng mga guro nyo sa school. Kailangan nating magbasa at magbigay pansin sa kasaysayan upang malaman natin ang leksyon ng nakaraan na pede nating magamit sa kasalukuyan.”
                “Ang mga galawan kasi ni Duterte ngayon ay malaki ang kapareha sa istilong ginawa noon ni Marcos. Ginigising namin kayong mga kabataan kasi kung magbibingi-bingihan kayo sa mga nangyayari sa ating paligid, ay baka dahan dahan ding mawala ang kalayaang ating tinatamasa ng hindi ninyo nalalaman.” Dagdag pa niya sa amin
                “ Pero hindi naman ako taliwan sa ating pangulo. Lumbaga, pabor ako sa mga mabuting ginagawa niya (Duterte) para sa ikaaayos n gating bansa pero sa mga  desisyon niya na hindi nakakabuti sa mga mamamayan, siguro ay hindi ako sang-ayon dun. Kasi may maganda naman siyang hangarin kaya lang, yung mga ibang bagay na nakakasama sa mga Pilipino, against ako dun”
                ”Pero ano nga ba ang nag-udyok sa inyo para sumali sa pagtitipon na ito?” Tanong ni Annalisa.
                “Kasi ano, aaminin ko na sociorealist ang media ko talaga at bilang isang sociorealist ay kailangang maging aware ka sa lipunan. Wala pa naman akong nararanasang dahas pero bilabf isang artist, kelangan ko ng konsepto na gagamitin ko para maipahayag ang isang obra. Pero hindi lahat ng obra ko ay patungkol sa Martial Law. Meron din akong ang tema ay sosyalidad,, history, basta sumasalamin sa Pilipino culture”
                Ayon naman kay Joel Boncay, isang rapper na  hindi naman daw niya naranasan ang Martial Law kasi batang ’90 naman daw siya pero sinasalin siya yung mga gusto nilang sabihin sa kanta. Napansin kasi niya na mahilig ang mga kabataan sa rap kaya naisip niya nagawing propaganda ito.
                “Yung mga kanta kasi ngayon ay halos tungkol lang sa weeds,sex, pera, puro sarili lang nila. So kelangan nating alisin yun. Ang mas kailangan natin ay yung may panawagan. At the same time, natutulungan natin yung mga tao gaya ng Lumad, yung mga indigenous people. Ginawan naming sila ng original composition.”
                “May personal po ba kayong karanasan na nag udyok sa inyo na sumali kayo dito?” usisa ni Annalisa.
                “Ahmm… dati, hindi pa ako involve sa organization. Artist lang ako noon pero parang God’s plan na din ang lahat kasi nakilala ko sila last year. Tapos ayun, nabuo naming yung kantang Kidapawan Massacre.”
                “Eh, ano naman pong masasabi nyo sa mga kabataan ngayon?”
                “Ayun, tayo nalang kasi ang magbabago sa kasaysayan. Ganto pa lang tayong mga kabataan pero tinitingnan natin ang mangyayari kaya walang nangyayari. Kailangan natin bilang estudyante,mga millennial, kasi ano… may kasabihan tayo na once na tayo ay namulat, masama na ang pumikit.”
                “Kumbaga, ang gusto lang na iparating ng kasabihan na iyon, halimbbawa,  yung kaklase mo, nakikita mong ninanakawan ng kapwa mo kaklase pero wala kang sinabi pero nakita mo yung totoo, parang Shet. Mas makasalanan ka pa sa nangnakaw kasi nakita mo na e. Ganun ang kelangan nating gawin ngayon.
                “Tayo, bilang kabataan na ang oobserve ng mga nangyayari, economic, mga politics, kailangan nating ano yun… ipalaganap via social media or ano. Ok lang na mag rant yun kesa naman mababasa natin ngayon sa facebook. Shet. Ina-unfriend ko nalang sila.”
                “ Kailangan naman kasi yung mababasa nila sa newsfeed natin ay yung may sense. May mapupulot silang aral. Yun an lang din ang masasabi ko sa mga estudyante  na mas pagyamanin pa natin yung mga talent natin. Malaki din ang maitutulong nun para mai-spread natin sa mas nakakarami na may ganto palang nangyayari. Gaya ng mga katutubo sa Mindanao na kinukuha ang lupain nila para gawing minahan. Diba ang Shet lang kasi sila tong mga ninuno natin pero sila itong pinapaalis.”
                “Dapat, hindi lang tao estudyamte, hindi lang tayo millennial. Dapat may pakialam din tayo kasi kumh walang katulad nila (kasamihan niya), namin, hindi tayo uunlad. Lalo tayong lulubog. Kung ano nalang ang ipagawa satin, yun nalang ang agagwin natin. Buti nga at may katulad pa naming na lumalaban tungkol sa gantong usapin tulad ni Sir Alvin. Nakakaline up  na rin kasi naming si Sir Alvin sa poetry reading kaya sabi naming eh iinvite kayo para mas mabuksan ang  kanilang kaalaman tungkol sa ganitong usapin.”
                Ilang lang sila sa mga taong nanduon na aming nakapanayam pero makikita natin doon ang kanilang pakialam sa ating bayan.

                Hindi na naming tinapos ang nasabing event dahil maggagabi na rin noon. Sabin g ibang estudyante na naiwan ay nagsindi pa sila ng kandila at nagmatsa. 

Biography

Cover Photos






Pictures with Special Events




 Family Picture




OOTD





Tagged Photos 







Profile Pictures








Sariling Tingin ko sa Kanya Outside FB



HUMSS: Para sa Ikauunlad ng Ating Pagkatao

         Isa sa mga pagpipiliang strand sa academic track ay ang Humanities and Social Sciences na kilala rin sa tawag na HUMSS. Kung ikaw ay nagbabalak magpatuloy sa kolehiyo upang makatapos ng pag-aaral, magandang kunin sa Senior High School ang HUMSS strand. Bakit mo ito dapat piliin? Bibigyan kita ng mga rason para makumbinsi ka.
          Kung mahiyain ka at gusto mong kumapal ang iyong mukha, mag enroll ka na sa CEFI at kunin ang HUMSS strand. Ang HUMSS strand ay para sa mga makakapal ang mukha at kabataang may hiya na gustong kumapal ang mukha. Mas madaling matanggap sa trabaho kung hindi ka mahiyain, may kumpyansa sa sarili, at may maayos na pag-uugali na tiyak na makakamit mo sa tulong ng strand na ito.
          Isa sa pinaka-demand na trabaho ngayon na maaari mong pagtrabahuhan kapag ikaw ay nakatapos na sa pag-aaral ay ang pagiging guro. Oo, guro nga. Karamihan samga HUMSS na nag enroll sa CEFI ay mga gustong maging guro. Saktong sakto sa HUMSS para sa gustong maging guro pero mahiyain dahil panigurado, masasanay ka sa reporting na may dating at hindi binasta basta, mga social activities, at isa pa sa pinagmamalaki ng strand na ito ay masaya dito.
          May ilan pang kurso na angkop sa strand na ito gaya ng mga nagnanais maging psychologist, pulis, attorney, reporter, radio announcer, writer, at kung ano-ano pa na may kinalaman sa pakikipagkapwa-tao.
          Malawak ang saklaw ng HUMSS. Sa katunayan nga,kahit gusto mong maging business man, engineer o kaya maging manager ay pede ka dito. Malaki ang maitutulong ng strand na ito. Sa trabahong ito, hindi ka naman makukuha sa trabaho kung shytype ka.
        Balik tayo sa pinaka-demand na kinukuha ng mga HUMSS students sa CEFI, ang teacher. Malaki ang maitutulong sa'yo ng HUMSS lalo na kung desidido ka talaga na maging respetado, at kawili-wiling guso. Tutulungan ka ng strand na ito na maging passionate sa trabahong pipiliin mo lalo na at pupurgahin ka sa reporting. Hindi mahirap ang reporting, kahit purga ka na. Sa katunayan, mag-eenjoy ka pa sa pagrereport sa strand na ito.
           Para sa akin, HUMSS ang pinaka magandang strand na meron ang academic strand. Hindi dahil pinopromote ko ito pero dahil nararansan ko ang sayang meron dito.  Malawak pa ang sakop nito kaya mahit magkaiba kayo ng gustong kunin ni Babe sa College, mag-HUMSS kayo para magkasama pa rin kayo habang nag-aaral kayo ng mabuti.
             Masasbi kong wala namang madaling track o kahit strand. Lahat namn 'yan ay mahirap pero syempre, kung mamahalin mo ang pag-aaral, mamaniin mo ang lahat ng iyan. Sa kaso ko, nadadalian ako sa HUMSS kasi naririto ang gusto ko at dito ay naaangkop talaga ang kakayahan ko dito.
               Sa mga engineer at business man d'yan, mag HUMSS na rin kayo, kasi kung wala naman kayong social skills na pinopromote na makuha sa HUMSS, hindi ka rin aasenso. Isa pa, may makukuha ka pa rin namang subject dito sa college na makakatulong pa rin sayo.
                Kung magandang future ang hanap mo, Choose Right, Choose HUMSS. Isang paalala ng isang makapal na estudyante na nawala ang hiya dahil hinulma ng strand na ito. 

Letter kay Digong

Minamahal Naming Pangulong Rodrigo R. Duterte,
          Unang -una po, binabati ko po kayo ng isang magandang araw. Ako po, bilang isang estudyante, ay lubos na magagalak kung mababasa n'yo man ang sulat kong ito. Isang prebelehiyo ang mabasa ang aking sulat ng pinakamataas na pinuno ng ating bansa.
          Nais ko pong batiin kayo sa inyong magandang simula sa pamahalaan at ang mataas ninyong satisfaction rating na inyong pinagpursigihang makuha mula sa taong bayan. Hindi lamang mga Pilipino ang bumilib sainyong kampanya laban sa droga, maging ang ibang bansa ay laman ng usapin ito dahil sa malaki ang nabago sa sistema ng ating bansa simula ng maupo kayo sa pwesto.
          Ngunit, hindi lahat ng tao ay pabor ang inyong uri ng pamamalakad. Sa katunayan nga po nito ay may mga bansa rin ang bumabatikos sa kamay na bakal ninyong pagdidisplina sa bansa. Maging ang mga kaparian ay inyong nakalaban ukol sa usaping "war on drugs" at ang napapabalitang "extra judicial killings" sa bansa.
          Bilang isang kabataan po, nais ko po sanang magpahayag ng saloobin ukol sa mga isyung kanasasangkutan ninyo. Maging ako rin po naman ay bilib sa biglaang pagbabago ng mga Pilipino dahil sa inyong kampanyang "war on drugs" ngunit naaalarma lang po ako kasi may mga napapabalita pong maging ang mga inosenteng mamamayan ay nadadamay.
           Minsan po kasi nang ako ay nanonood ng TV ay may napabalitang mag-na ang namatay matapos umanong manlaban sa pulis ang mga biktima ng sila ay hinuli. Ang mga napatay ay isang byudang babae at isang batang lalaki. Kapani-paniwala po bang ang sinabi ng mga pulis na isang bata at isang babae ay makukuha pang manlaban na aabot sa kamatayan? Nais ko po sanang ang mga pulis ay maging disiplinado rin. Kapansin-pansin po kasi na paulit ulit na lang ang rason na kanilang laging sinasabi kapag napatay nila ang mga hinuli nila. Lagi nalang nanlaban.
          Isa pa po ng isyu na gusto kong mabigyan ng sapat na aksyon ay ang inyong pamahalaan ay nasasangkot sa talamak na kaso ng "extra judicial killings" na halos araw-araw ay may namamatay.
          Bilang estudyante, natatakot ako kahit sabihin nating wala naman akong kasalanan. NAtatakot ako na isang araw, mapagbintangan ako at mapadamay sa mga gumadaming bilang na resulta ng EJK.
            Nais ko po sanang mahuli ninyo ang mga taong sangkot sa EJK. Ito ay para sa seguridad ko, ng pamilya ko, at maging ng kapwa ko Pilipino na ginagawa angkanilang tungkulin sa bayan. kaligtasan ko lang po ang iniisip ko dahil mahirap na ang madamay nang wala namang kasalanan.
            Ito po ang aking hinaing aming mahal na pangulo. Nawa'y magkaroon po kayo ng aksyon sa mga sinabi ko pong hinaing para sa ikabubuti ng kalagayan ng mga mamamayan ng ating bansa.
             Muli po, bumabati po ako ng magandang araw at sumasaludo po akosa inyo dahil sa ginawa ninyong pagbabago sa ating bansa. Pagpalain po kayo nawa ng ating Panginoon sa inyong kampanya para sa ikakaayos ng ating bansa.\
Mula sa Tinig ng may Paggalang,
John Anthony M. Elfa

Me, Myself, and I


Physical Aspect
    Noong ika-24 ng Abril taong 2000, may isang cute na batang lalaki ang ipinanganak sa lungsod ng Lucena. Saksakan daw ito ng ka-cute-an kaya naman labis na tuwa ang naramdaman ng kanyang magulang ng siya ay masilayan. Ang pangalan niya ay John Anthony M. Elfa at ako iyon.
            Lumipas ang labing anim na taon, lumaki naman ako pero hindi naman ganun katangkaran. Ang maipagmamalaki ko  lang siguro ay ang pagiging cute ko  na nadala ko pa simula bata pa ako at idagdag mo pa ditto ang taba na kusa nalang umusbong. Ito ang madalas pansinin sakin ng mga dating kong kaklase noong JHS maging ng mga kasalukuyan kong mga kaklase sa SHS.
             Masaya naman akong kasama. Tumatawa, nakikipag kwentuhan, nang-aasar, pero ingatan mo kapag tumahimik na ako. Maninibago ka pagtahimik  ko kasi hindi naman ako ganun. Baka badtrip na ako ng lagay na yun. May pagkapikunin kasi ako at maramdamin pero cute naman  kaya bawing bawi na din sa mga negative traits.
            Maganda ang aking kalusugan. Nakakakain naman ako ng tatlong beses sa isang araw na may extra pang miryenda, recess at kung minsan ay may midnight snack pa kaya sa paglalaro ko nalang ng basketball naibabawas ang tabang aking nakuha sa pagkain. Ngging paborito ko na ding laro  ito dahil kung minsan ay nagkakaroon ako ng pera dito mula sa pustahan.
            Noong ako anman ay bata pa, nagkaroon ako ng UTI. Dati kasi ay parang tingting ang pangangatawan ko  kasi pihikan akong  kumain. Ayaw kong kumain ng gulay kaya halos walang sustanya ang pumapasok sa katawan ko. Pero noong nagbinata na naman ako  ay nawala na din ang UTI ko kasi naging vegetarian na ako. Parang magic na sa biglang iglap ay kumakain na ako  ng gulay. Iniwasan ko na din ang pagkain ng mga junkfoods na isang malaking rason sa pagkawala ng aking UTI.
            At dahil nga sa malusog naman ako, wala naman akong  iniindang sakit ngayon. Wala din akong kinakaharap na mga medication. Tamang kain, tulog, at mag-aral nga lang ang gawain ko sa buong maghapo..
            Sa kundisyon naman ng mata ko, may konti akong problema doon pero hindi naman malala. Far sighted kasi ako pero kaya ko  pa namang basahin ang mga letra kahit na nasa malayo. Medyo may kalabuan nga lang pero ang mahalaga, nababasa ko pa naman. Pagdating naman sa kondisyon ng buto ko, nako, kahit ipaghampasan mo pa. Matibay yata ang  buto ko  kaya kung mabalian man ay hindi naman malalala. Gumagaling din kaagad matapos ang ilang araw.
            Noong kinder nga ako, nabangga ako ng motor. Syemprebata pa ako  noon kaya iisipin mo na baka nabalian ako pero hindi e. Dinala lang ako  sa ospital para patingnan kung may nakuha akong  bali pero wala namang nakita ang mga doktor. Tamang gasgas lang ang natamo ko noong mga panahong iyon.
            Kapag nasa bahay naman ako, naiiba ang ugali ko. Kung sa school ay palabiro ako at makulit, pagdating sa bahay, seryoso at istrikto ako. Ako pa nga ang nagpapangaral sa kapatid ko at kina mama at pap kapag may pagkakamali sila. Gusto ko lang namang itama ang nakikita kong pagkakamali nila para hindi sila magmukhang katawa-tawa sa paningin ng ibang tao.
            Family-oriented naman ako kahit may pagka nakakatakot ako sa bahay. Hindi ko pa  naranasang uminom ng alak, manigarilyo at lalong lalo na ang mag-adik. Maganda ang pagpapalaki ng magulang ko sakin. Mukha nga lang akong naka shabu kung mahyper ako dahil sa sobrang tuwa pero uulitin ko, hindi po talaga ako nagtatake ng ipinagbabawal na gamot.
            Kung tititigan mo ako, una mong mapapansin sakin ay ang nagsusumamo kong mga tigyawat pero dahil nga cute ako kaya mababale-wala mo ang mag pimples ko. Madami kasi akong magagandang asset gaya ng bibig, mata, ilong pero medyo sarat, at lalo na ang aking kilay na makapal. Pero sa likod ng aking pagiging cute ay may tinatago akong kahinaan, iyong ay ang gumawa ng mga gawaing bahay.



Inner Life
            Kung ikukumpara naman ako sa ibang estudyante, lalamang naman ako  ng isang paligo pagdating sa IQ. May utak naman ako kahit konti at may pangarap kaya nagsisikap akong  mag-aral. Pangarap kong  makapagtapos sa pag-aaral na may planong maging Cum laude para magkaroon ng magandang trabaho at ng sa ganyon, tuwing bibili ako sa SM ay hindi na ako titingnan sa  pricetag ng aking gustong bibilhin.
            Wonderful like I’m in Wonderland, ganayang kalawak ang aking imahinasyon. Parang adik pero gaya nga ng sabi ko, family-oriented ako  kaya for sure, hindi ako  adik. Yun nga lang, may pagka-slow ako minsan.
            Masayahin akong  tao kaya ayaw kong  pinoproblema ang problema. Hinahayaan kong  kalimutan ang problema at itinitira ko  ang masasasayang ala-ala na meron ako. Kaya kahit yung thesis na halos lahat ay namomroblema, ako, eto, papetiks petiks lang pero natatapos ko naman. Mas masaya kaya ang walang pinoproblema. Noong minsan nga ay nagkaroon kami  ng tampuhan nina Shiela at Gwen na tumagal din ng tatlong buwan pero hinayaan ko lang  na tadhana ang kusang gumawa ng ipagbabati namin.
            Sa klase, pinipilit kong para mapasama sa top. Ang pananaw ko kasi sa buhay, makukuha mo ang respeto ng ibang tao kung ikaw ay matalino. Noong nakaraanong taon ay lumaban kami sa BiƱan. Regional level yun ng Dramatic Choric Choir at nanalo naman  ng 2nd place.
            Maging sa talento ay mas pinaghuhusay ko din ang kung ano ang meron ako. Marami kasing nagsasabi na may potensyal ako sa pagkanta. Pero pagdating sa mga pang malakasang laro, maliban nalang sa basketball, hirap akong  tumagal sa paglalaro dahil mabilis akong mapagod tsaka mapapawisin ako.
            May kahibangan din din ako sa buhay.  Pangarap ko kayang  maging kasing talino si Einstein. Mukhang imposible pero malay mo, mabagong ako tapos bigla nalang akong mapasama sa mga Greatest Mathematician. Wala naman sigurong masamang mangarap diba.
            May mga kinatatakutan din ako pero hindi sa multo hah. Ito ay ang maiwanan ng mahahalagang tao sa buhay ko, heart breaks na dala ng kakirihan at ang mawalan ng pera. Pero yung mga taong, mayabang, mapagmataas, tapos matigas ang ulo na katulad ko ang mga ayaw  ko sa lahat. For short, ayaw kong makasama ang ikalawang ako. Kahit sino naman yata ay ayaw ng ganung klase ng tao.
            Ang maglakad  sa hallway ng nakahubad, yan na siguro  ang pinakanakakahiyang pede kong gawin sa buong buhay ko pero nako, malabo naman yata itong mangyari. Mabait kasi akong bata. Nagbabasa pa nga ako  ng bible at paborito ko pa ngang verse ng John 3:16.
            Magpakamatay, pumasok sa CR ng babae at umamin kay crush (torpe kasi). yan ang mga bagay na hindi ko kayang gawin sa buong buhay ko. Dejk lang. At kung gusto mong malaman sir ang sikreto ko, bigyan mo muna ako ng 100 sa card. Yaaah. Kahit anong sikreto ko, sasabihin ko sayo. Pasal  lang sa grades ano?
            Pagdating sa mga babae, conservative ako  lalo na sa mga kaibigan kong  babae. Ayaw kong nakikita ng naka-shorts ang mga babae kong kaibigan kaya sa tuwing may sumusuway sa aking polisiya, pinagsasabihan ko yung sumuway nay un tapos pinapauwi ko pa kapag malapit naman ang bahy para magpalit. Ayaw ko kasing may nababastos na kaibigan ko. Goodboy na, cute pa.
            May motibasyon din akong pinaniniwalaan kaya napapanatili ko ang  pagiging cute ko  at hindi nas-stress. Ito ay ang paniniwalang ang lahat ay may rason at ang lahat ay may solusyon. Kaya madalang lang akong  mamroblema sa buhay.



Life with Others
            Maganda naman ang estado ng pamumuhay namin. Hindi mahirap, hindi rin mayaman. Tamang nasa gitna lamang na may maayos at tahimik na pamumuhay. Yung tipong kahit problema ang lumalapit, kami nalang ang nag aadjust. Kasama ko sa bahay ang aking nag-iisang  kapatid, si mama at si papa at ang dalawa kong pasaway na  tita na lagi kong  pinoproblema dahil isip bata.
            Ang ama ko ay si  Mr. Antonio T. Elfa Jr. janitor siya sa isang public elementary school samantalang ang ina ko naman na si Mrs. Evelyn M. Elfa ay ang nag-aasikaso ng aming  tindahan ng school supplies. Bilib ako sa sipag ay dedikasyon ni papa para mabuhay kami. Si mama naman  ay sobrang diskarte at sobrang galing mag-ipon at magpalago ng pera.
            Mag-aral… mag-aral… mag-aral ng mabuti. Sa ganitong sistema umikot ang buhay ko noong bata pa ako. Ang  weird noh pero kinaya ko. Kaya nga nagkaroon naman ako ng konting utak nagagamit ko ngayon sa SHS. Ang lahat ng iyon ay dahil kay mama pero atleast, naging edge ko yun para maging masipag sa pag-aaral.
            Bago ako makatapak sa pribadong paaralan, nag-aral muna ako  sa pampublikong paaralan mula noong 3 taong gulang ako. Sa Pagbilao Central Elementary School ako nag elementarya samantalang sa Talipan National High School naman ako  nakatapos ng JHS.
            Noong elementary, ang hilig kong  asignatura ay Hekasi tapos noong nag JHS, saka ko natutunang mahalin ang Mathematics na hanggang sa ngayon ay naging hilig ko at dito ako nangunguna sa klase. Kaya naman isa ang Statistics sa mga paborito kong subject kasama na dito ang Earth and Life Science, DISS at Contemporary Arts.
            Sa CEFI, hindi ako  gaanong active sa mga organisasyon. Abala lang ang tingin ko dito sa pag-aaral. Mas maigi pang pagtuunan nalang ng pansin ang pag-aaral kesa magdagdag pa ako ng mga  gawaing pang-school.
            Pagdating naman sa buhay pag-ibig, maaga akong lumandi. Grade 6 pa lang ng una akong magkaroon nga kairog na hindi naman tumagal. Tamang nakikiuso nga lang siguro ako noon  sa mga kaklase ko noong elementary na halos lahat ay may kairog kaya nakigaya na lang din ako.
            Ito pa ang malupit, may natatanging talent ako  na lumalabas lang sa banyo tuwing maliligo, ang singing skills ko na parang nagcoconcert lang sa kawalan. Mabuti nalang at hindi napapangitan sa boses ko sina mama. Maganda daw kasi ang boses kaya ganun.
            Pagbilawin nga pala ako  na virgin pa pagdating sa sex at walng kaexpi-experience. Wala pa akong balak sa mga ganyang bagay. Dadating din naman ang tamang panahon para jan. konting tiis lang ng katigangan. Alang alang sa matiwasay na pag-aaral.
            May isa akong  itinuturing na best friend na mukhang unggoy. Siya ay si Mhay Nemedez na naging best friend ko  noong nasa JHS kami  dahil na din sa magkatabi kami  noong Grade 9 tapos  parehas pa  kaming  maingay at  nagkakasundo pa kami sa mga trip namin kaya ayun, naging magbestfriend kami.
            Tamang may hobby din  ako gaya ng paghiga, pagtulog at pagkain. Idagdag pa natin dito ang pagcecellphone maghapon para maglaro kasi wala akong kahilig-hilig sa pagbabasa. Wala pa nga yata akong  natatapos na basahing  libro. Tamang panonood lang talaga ang gusto ko at hindi ang magbasa ng isang series ng isang movie sa libro. Mas madali kayang  manood kesa magbasa.
            Christmas Party ang huli kong  napuntahang party. Hindi naman ako ganun  kahilig sa mga party party lalo na kung hindi ko kasama ang mga kaibigan ko kumpara sa mga kaklase ko ngayon sa SHS. Iba pa rin syempre kapag kaibigan mo ang mag-aakit. Mahirap silang tanggihan.
            Isa lang naman akong  normal na estudyante na nag-aaral sa SHS sa CEFI. Hindi famous pero marami rin naman DAW nakakakilala sakin. Isang binate  na kaya nang pumunta sa kung saan saang lugar ng solo lang, kayang magluto ng kakainin lalo na kapag gutom na gutom na talaga ako at isang cute na may sariling kwatro. Kung tatanungin mo ako tungkol sa ikababago ng bansa, mala-Miss Universe lang ang isasagot ko. Iyon an gang world peace. I thank you.

Home Life
            Ako si John Anthony M. Elfa, Anthony Elfa sa facebook, @anthoniiiii_24 sa twitter at AnthonyElfa sa instagram ay nakatira sa sarili naming  bahay sa Brgy. Del Carmen, Pagbilao, Quezon ng halos nasa 16 years na. may maayos na tirahan maliban nalang sa mga kapit-bahay na adik na nakapalibot samin.
            Sa bahay, kasama namin ang dalawa kong  tita na sina Maribel Merluza, isang matandang dalaga at si Leah Rodriguez. Kasama sila ni mama  para maging katulong sa tindahan. May pagkamagulo yung dalawa kong tiyahin kaya  mas gusto kong  mapag-isa sa kwatro para makadama ng katahimikan.
            Kung magkakaroon nga lang sana ako ng sarili kong bahay, baka dun na ako tumira para makalayo dyan sa dalawa kong tita na isip bata pero narealize ko, hindi ko pa pala kayang mabuhay ng mag isa. Tamang umaasa pa ako sa mahulang ko. Wala pa naman akong trabaho na ipangsusustento sa sarili ko.
            Tutal, maganda naman ang bahay namin kaya mas mainam na dun nalang muna siya tumira. Mahirap pang mabuhay ng walang trabaho pero kung magkakaroon na siya ng sariling bahay at trabaho, baka magpaparty ako sa  magiging bahay ko  kasama ang mga kaibigan ko.
            Sa salas ang pinakagusto kong lugar sa bahay. Nandun kasi ang electricfan, sofa at lalong lalo na, ang wifi. Parang nasa paraiso nga ang pakiramdam ko na nagbabaksyon lang tuwing pepwesto ako sa lugar na iyon. Pero gusto ko din naman ang silid-tulugan ko. May malambot na unan dun tsaka abot din naman dun ng wifi. At isa pa ay ang kusina na kung saan matatagpuan ang pagkain.
            Noong nakaraang New Year naging sobrang saya sa bahay matapos dumating ang  mga pinsan ko  mula sa Maynila. Nagkaroon ng salo salo para sa Medya Noche tsaka pamusay na labis na  ikinatuwa ng lahat dahil nakarami kami ng perang naagaw.
            Medyo masakit nga lang sa bulsa ni mama noong  nagmusay siya  pero sulit naman ang pera na iminusay. Malaki ang pakinabang naming magpipinsan sa perang aming naagaw  lalo na at mahirap ang pamumuhay. Sipag lang sa pang-aagaw ang puhunan. Magtitiis ka nga lang sa pangbabalya ng mga matitindi ang pangangailangan.
            Yung masama ko  namang karanasan ay nung bata pa ako. Grade 1 yata ako nun.  Syempre, may pagkapasaway ako pero lalo na yung kapatid ko. Dahil nga panganay ako, ako at ako ang  laging napapalo tuwing mag-aaway kami  ng kapatid ko. Pinakamasaklap kong  karanasan ay noong sinampal ako  ni mama at nabungian ako ng ngipin sa lakas ng sampal niya.
            Balik tayo sa bahay. Dalawang palapag ang  bahay namin at sa 2nd floor  naroroon ang mga kwatro namin . Nasa baba naman ang aming  CR at may kadiliman sa baba kapag nasa taas na ang lahat para matulog kaya kung minsan, kapag naiihi ako ay iniimpidi ko nalang ang ihi ko  dahil napapanlaw ako minsan.  Para kasing may  multo sa baba ng bahay kahit wala naman.
            Kung maghahanap ka ng bad vibes sa bahay namin, wala ka dung makikitang ganun. Umaapaw sa good vibes sa bahay. May TV na naka CaTV, wifi na medyo mabilis at computer. Walang sikre-sikreto sa bahay. Lahat ng bagay ay lantarang nakakalat lang kasi kami-kami  lang din naman ang nasa bahay.. Yung pera na kahit saan mo ilagay, hindi yun mawawala kasi wala namang kukuha dun.

            Pero meron akong madilim  na sikreto. Isang sobrang dilim na sikreto na baka ikagulat mo. Natatanging sikreto na ginagawa ko sa bahay kapag solo ako. Ito ay ang … ubusin ang masarap na gamot  ni mama na nakalagay sa ref  ng hindi namamalayan ng sino man. Yun lang ang aking  malagim  na sikreto sa bahay.

Linggo, Pebrero 19, 2017

Photo Essay

Ito ang Pagbilao West Elementary School. Dito nagtatrabaho si Ginoong Antonio.



Pero hindi bilang isang guro. Siya ang janitor ng naturang paaralan. 



Meron siyang mga baka at siya ang nag-aalaga sa mga ito.


Pagkatapos naman niyang magtrabaho sa pagiging janitor sa paaralan, pumapasada paminsan minsan siya para pandagdag kita na din.
 

Ngayong araw na ito naman, pupunta siya sa Pajo para asikasuhin ang ipinagkatiwala sa kanilang lupain.


Kasama niya ang kanyang asawa na si Ginang Evelyn.



Ito ang kanyang ginawa sa kanilang pagpunta sa Pajo. Siya ang nag-aasikaso sa mga aning buko ng lupaing na ipinagkatiwala sa kanila.



Pagkatapos naman ng pagpunta nila sa Pajo, trabaho pa rin ang inasikaso niya. May tindahan kasi sila at ngayon naman ay nag-aayos siya ng bulaklak na ipantitinda para sa Valentine's Day.


Pagkatapos noon, nagrepak naman siya ng mani na ipatitinda niya sa canteen ng paaralang pinagtatrabahuhan niya.


Siya si Antonio Elfa, siya ang tatay ko.

Miyerkules, Pebrero 8, 2017

Pilipinong Bumbay

Image result for dj bumbay

Pilipinong Bumbay

                Noong una, wala akong ideya yung sino nga ba ang akong kakapanayamin lalo na't kelangan ko ay 'yung para bang kakaiba ang trabaho. Napakamot tuloy ako sa ulo. Nagmuni-muni muna ako matapos kong makauwi ng bahay galing sa school. Nasa isip ko pa rin kung ang kakapanayamin ko ba ay papayag. Pero bago iyon, wala pa nga pala akong kilalang mai-interview. Umupo muna ako sa sofa, binuksan ang electric fan kasi banasin ako. Maya-maya, naamoy ko ang ulam na niluluto ni papa sa kusina. Bistek ang ulam namin kaya inunahan ko na kaagad ang kapatid ko sa pagkain kasi alam kong masiba yun sa karne, baka maubusan pa ako ng ulam. Si papa naman, biglang binuksan ang TV. Balita ang kanyang pinanood sa ABS-CBN. E di nakipanood na lang din ako.
                "5 6 sa Pilipinas, balak nang ipatigil ng gobyerno..." Biglang may pumutok na ideya sa isip ko ng makinig ang balitang iyon. Magandang ideya na interviewhin ang magpa- 5-6. Mabuti na lang at may kilala akong nagpa- 5-6. Bigla kong hiniram ang susi ng motor kay papa kasi pupuntahan ko 'yung kilala ko na magpa- 5-6.
                "Magandang gabi po." ani ko. May tindahan siya pero maliit lang. Bumili muna ako ng mani para naman mahikayat ko na ma-interview siya kahit bukas na ng umaga o hapon. Gabi na kasi noon.
                " Tita, pede ko po ba kayong matanong?" sabi ko nang may puno ng respeto sa pagsasalita kasi alam ko na may posibilidad na tanggihan niya ang interview na gagawin ko. "Wag po sana kayong ma-o-offend." kasunod na sabi ko
                Panatag naman ang mujha ng babaeng nagtitinda na pakay ko. "O sige utoy, ano ba iyon?"
                "Tungkol po sa pagpapautang ang itatanong ko kung mamarapatin n'yo lang po." Medyo kabado na ako ng mga oras na ito. May konting pagdadasal na sana naman ay pumayag ang babae na kakapanayamin ko kasi kahit ako, alam ko na mabigat ang gagawin ko na maaaring ikasama ng loob niya pero hindi ko akalain ang sasabihin niya sa paunlak ko "O sige, pero bukas na ha, magsasarado na kasi ng tindahan." nakangiti niyang wika sa akin. Ako naman ay tuwang tuwa kasi sa wakas, may maisusulat na ako sa CNF. Tinulungan ko sa pagliligpit ng gamit ang babaeng aking iinterviewhin bukas. Matapos niyon ay dumating ang kanyang kapatid para sunduin siya. "Nga 12 ka na lang pumunta utoy sa bahay kasi wala pa ako noong gagawin." sabi ng babae sabay alis niya.
                Kinabukasan, gumising ako nang maaga. Inihanda ko muna ang mga itatanong ko para naman hindi ako ma-mental block sa mga itatanong ko.
                Mga 12:05 na ako nang pumunta sa kanilang bahay. Naamoy ko na may niluluto ang babae, kaya nang makita ako nito ay pumasok na ako sa kanilang bahay. Kakain pa lang pala sila ng tanghalian ng kanyang nanay at ng kanyang pamangkin. Inaalok pa nga nila ako ng kanilang ulam na tulingan at hipon pero tinanggihan ko na lang iyo kasi nakakahiya ( kahit gusto kong makikain )
                Maingay silang kumain. Nagtatanong kasi sa babae ang kanyang nanay kung pede daw ba siyang kumain ng hipon. "Bawal nga nay! Allergy ka d'yan e." pasigaw na tono ng babae. Nagulat ako at bigla na lang akong dinapuan ng kaba dahil sa inasal ng babae. May pagkamataray pala talaga siya. Totoo nga 'yung mga nababalitaan ko sa kanya tungkol sa kanyang katarayan pero para sa CNF, lalakasan ko ang loob ko para interviewhin siya.
                "O utoy, hala na, magtanong ka habang iniimpis ko itong kinainan namin." panatag na wika niya s'akin. Mabuti na lang at medyo kumalma ang babae at naging panatag na ang boses niya kaya nawala ang takot ko.
                "E kumusta naman po kayo ngayon? Kumusta po ang are ninyo?"
                "Ayun, hindi maganda. Kulang kasi kami sa kwarta." pabirong sabi niya sa akin. Tinawanan ko na lang ang biro niya para magood-vibes naman siya. Maya-maya ay nagtanong na ako ulit. "Matanong ko lang po, ano po ba ang pinagkakaabalahan ninyo sa maghapon?"
                "Nako totoy, sa pamamalengke, pagluluto, pagtitinda at pag-aalaga kay nanay lang umiikot ang mundo ko. Wala nang bago sa pang-araw-araw ko."
                "Ano po ba ang inyong pinagkakakitaan?" sabi ko sa kanya.
                 "Ahh, ayun. Magtinda duon sa aking maliit na tindahan nga dun malapit sa Central ( school ) at magluto na din ng kakainin para dagdag kita. Alam mo na, mahirap ang buhay ngayon kaya kelangan kong magdoble-sikap lalo pa't ako lang ang gumagastos sa bahay, tapos tatlo pa kami dito." ani niya.
                “Hondi naman po ba kayo nahihirapan sa trabaho ninyo lalo na’t araw-araw n’yo poi tong ginagawa?” usisang tanong ko ulit.
                “Nasanay na naman ako. Kasi naman, simula bata pa lamang kami e marunong na kaming magbanat ng buto. Hindi na rin ‘to bago sakin.”
                Noong mga sandaling iyon ay namangha ako kasi hindi ko din naman alam ang kwento ng buhay ng babae. Ipinagpatuloy ko pa ang pagtatanong.
                “E kung papapiliin po ba kayo ng propesyon, ano po ba ang gusto ninyo?”
                Sandaling napaisip ang babae nang may pagtingin pa sa celing. “ Wala na. Basta, kahit ano. Kung saan may mapagkakakitaan, duon na lang ako. Medyo mahina kasi ang utak ko. Hindi na ako nagkolehiyo kaya hindi ko na rin inisip ‘yang mga propesyon-propesyon na yan.”
                “Pero balita ko naman po ay mayaman na kayo.” pabirong sabi ko.
                “Medyo lumagpas lang sa kaunti. Kelangan pa rin namang magtrabaho. Baka manhilahod kami kinabukasan pag nagpapetiks-petiks na lang ako. Sapat lang naman ang kinikita ko sa pang araw-araw.” sabi naman niya sa akin.
                Alam kong hinahambog lang ako neto pero kunawi ay naniniwala na lang ako. Sabi ko sa kanya, tapos na ang aking pagi-interview sa kanya. Kung mapapansin ay hindi ko man lang naisingit yung tungkol sa pagpa-5-6 niya kasi medyo nahiya na ako. Ok na sa’kin yung pagiging tinder niya pero bigla siyang may sinabi sa’kin.
                “Tapos nay yun? Akala ko ay tatanungin mo ako tungkol sa 5-6”
                Nagulat ako kasi siya na mismo ang nagpaunlak na buksan ang usaping iyon kaya tinanong ko muna siya kung ayos lang at sabi naman niya ay ako rin ang bahala kaya nagtanong na ulit ako pero ngayon naman, ang tanong ko ay magmumula na sa kanyang pagpapautang.
                “Kung ganon po, maaari kop o bang malaman kung ilang porsyento ang inyong ipinapatong kada utang?”
                Ang abi niya sa akin,:10% lang kaya hindi 5-6 ang tawag dun.”
                Sa isip ko naman, ganun na rin ‘yun. May patong pa din naman ah. Tsaka gaman namang 10% lang ang patong niya e yamaman nga daw siya dahil sa 5-6. Kunwari ay naniniwala ako sa kanyang sinasabi kahit na alam ko na malaki ang patubo niya sa utang para lang maigpatuloy ko pa ang pagi-interview sa kanya.
                “Magkano po ba ang pinakamalaking naipautang ninyo?” tanong ko.
                “₱100,000”
                Nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang halaga. Tama nga ako. Mukhang hindi lang 10% ang patong niya sa kanyang pautang. Isipin mo, saan siya kukuya ng ganon kalaking halaga ng perasa pagtitinda lang ng kakanin at sa munti niyang tindahan.Ang balita ko pa ay madami siyang hawak na taong pinapautang. Talagang yayaman nga siya.
                “Kung ganoon po, ano po ang tawag ninyo sa pagpapautang ninyo? Tulong o trabaho?”
                “Aba’y parehas lang. Trabaho na rin ‘yan sa’kin. Malaki rin ang naitutulong sa akin ng pagpapautang sa mga gastusin. Tsaka pagtulong din kasi 10% lang naman ang patong ko.” Sambit niya sa tanong ko. “tsaka sila din naman ang nalapit sakin e hindi ako kaya syempre, pinapautang ko na din.” dagdag pa niya.
                “Sino-sino po ba ang nangungutang sa inyo?” tanong ko ulit sa kanya.
                “Madami pero mga kakilala ko lang ang pinapautang ko. Mahirap na ang matakbuhan. Wala akong laban d’yan.” ani niya .
                “E may mga guro po bang nangungutang sa inyo? ( Kasi malapit lang ang tindahan niya sa Central na isang Elementary School tsaka kilala na siya sa kanyang pagpapautang )”
                “Oo pero dati lang iyon.”sabi niya sa akin na mukha namang nagsisinungaling kasi noong minsan, habang kumakain ako ng habhab sa may tindahan niya ay nakita ko ‘yung isang guro na may inabot sa kanyang isang libo. Bayad siguro sa utang kasi may notebook siyang pinaglistahan matapos magbayad ng guro.
                “Bale ilan po ang inyong pinagkakabuhayan?” sabi ko.
                “Tatlo nga.” Mahinahong sabi niya. “Yung sari-sari store ko, pagluluto ng kakanin tsaka ‘yung pagpapautang ko nga.”

                “Nako, maraming salamat po sa pagpapaunlak sa’kin. Tapos na po ako sa mga itatanong ko. Salamat po.” sabay umalis na rin ako kasi mukhang may gagawin pa siyang importante sa bahay niya.


Martes, Pebrero 7, 2017

Nakalimutang Pagbabago

Image result for taklub

Nakalimutang Pagbabago
                Sa isang madilim at malamig na silid, nandoon ang halos nasa 500 estudyante ng CEFI para panoorin ang pelikula na halaw sa totoong pangyayari na kinaharap at kinakaharap pa ng mga biktima ng Bagyong Yolanda na para bang nakalimutan na ng lahat. Boring naman talaga ang isang Indie Film kasi tumutukoy ito sa totoong buhay ng tao at sa maniwala kayo at sa hindi, mas boring pa ang buhay nyo kumpara sa kwento ng buhay ng mga nasalanta ng Bagyong Yolanda.
                Nasaan na nga ba ang bilyong pisong donasyon na ating natanggap mula sa mga nagmalasakit sa mga biktima ng Bagyong Yolanda na halos mag-aapat na taon na ang nakakaraan pero mukhang hindi pa nagagamit at para ngang nawala na nga na parang bula?
                “Lagi na lang yan ang sinasabi ninyo! Imposible namang sa tatlo kong anak na nawawala ay wala man lang kayong nahanap na ka-match ko ng DNA” sabi ni Bebeth. “ Lagay pala ako ng lagay ng kandila doon, wala naman pala akong pinaglalamayan” dagdag pa niya. Sa isang bansa na may mabagal at palpak na sistema tulad ng Pilipinas, mahirap ang mawalan ng mahal sa buhay at kung ikaw ang nasa kalagayan ni Bebeth, masasaktan ka din gaya ng kanyang naramdaman.
                “Gusto kong ipakita sa mga Pilipino maging sa ibang nasyon ang totoong pangyayari sa buhay ng mga nasalanta. Gusto kong malaman ninyo ang mga sitwasyon na kinakaharap ng mga nakaligtas araw-araw” sabi ni Mendoza noong may nagtanong sa kanya kung bakit nga ba niya ginawa ang pelikulang TAKLUB.AAminin ko, boring na boring ako nung una sa panonood ng pelikulang Indie pero malalaman mo naman dito ang totoong isnasapit ng isang indibidwal ng may buong kwentoat siksik sa paglalahad gaya ng ginawa ni Brillante Mendoza na kitang-kita ang pang araw-araw na buhay ng isang tao na nabiktima ng Bagyong Yolanda.
                Batay sa naransan ni Erwin na ninakawan ng yero at nanuntok matapos Makita ang nagnakaw ng kanilang yero ay nagpapakita ng totoong pangyayari sa buhay natin. Maging ang pagkagalit ni Bebeth sa mga doctor na hindi man lang nahanap ang kahit isa sa tatlo niyang nawawalang anak. Kung sino man ang nsa kalagayan nila, tiyak na pareho rin ang gagawin mo kasi kahit gaano ka man kabait, kung may umuusig naman sa iyo ay pilit na lalabas at lalabas ang iyong galit.
                 Sa kabuuan ng pelikula, ipinapakita lang nito ang totoong emosyon na nararamdaman ng tao. Walang taong perpekto pero tiyak, kahit na ganun ang kanilang sinapit ay may aral tayong makukuha sa kanila kagaya ng pagmulat sa ating isipan tungkol sa mga nangyayari na pala sa ating paligid. Impormasyon ang nais ibahagi ng kwentong Taklub at hindi ang kung ano mang pantasya sa buhay.

                Kung aliw, kilig at aksyon lang din lamang ang hanap mo, manood ka nalang ng Vince, Kath, and James, Seklusyon at kung ano-ano pang movie na kasali sa MMFFpero kung aral mula sa totoong buhay lang din lamang ang gusto mo na magbubukas ng iyong kamalayan at mga impormasyon sa paligid, saktong panoorin mo ang TAKLUB. May pagka-boring lang talaga ang TAKLUB kung hindi ka marunong maka appreciate ng buhay ng may buhay kaya kung hindi ka pa sanay, maghdala ka ng kutkutin para iwas pagkabagot.

Shhhh! CNF To


  Image result for shhh

Shhhh! CNF To

            Noong una, may napag-aralan ako sa CNF na kung anong bagay.Meron akong nakilalang Alejandro Abadilla at meron siyang sinabi. Ewan ko lang ba kung anong utak ang meron itong si Alejandro Abadillaat kung ano-ano pa ang binibigay niyang depinasyon sa sanaysay pero sabi niya, ang sanaysay ay ang pormal na sulatin ntulad ng panunuring pampanitikan. Tutal, no choice naman ako edi makikisabay nalang ako sa sinabi niya.

                Hays, pati ba naman talumbuhay ay itinuturing na ring sanaysay. Hindi naman na-inform dunpero total, sabi kasi ni Lumbera as sanaysay, maaari na rin daw kasing sakupin ng kategoryang sanaysay ang alin mang akdang prosa na nagbabahagi ng impormasyon, nagpapaliwanag, umaakit na paniwalaan natin ang sinabi, tumutuligsa sa mga institusyon o indibidwal o umaaliw sa mambabasa. Eh katangian naman ng talumbuhay ang pagbabahagi ng buhay ng tao, tsaka nagpapaliwanag din naman ito kaya maituturing na sanaysay ang talambuhay.

                Kasaysayan ang humubog sa sanayasay. Yung mga kaechosan ng mga ninuno natin ay pinasa pa nila sa atin kaya meron kayong pundasyon sa paraan ng pagsusulat ng sanaysay. Sa pagsusulat ng isang literature, masasalamin sa mga aklat ng kasaysayan ang pinagmulan n gating sanaysay. Sa kung paano kalalim manalita an gating mga ninuno hanggang sa umunlad ito sa panahon ngayon

                Etong mga ito, sanaysay na itongmaituturing tapos nagtatanong ka kung bakit nilikha ang sanaysay? Aba, kusa na ‘yang umusbong. Sabi nga ni Bienvonido Lumbera, kahit sino ay pedeng magsulat ng sanaysay. Kusa na din kasi itong nabuo sa mga kaisipan ng mga Pilipino. Maaring gusto ng mananaysay na magbahagi ng kanyang kaunting kaalaman mula sa pumuputok niyang utak o kaya nachismis lang. Kahit mandin sa paggawa ng thesis at exam, sanaysay ang ginagamit ditto kaya mabilis na nabuo ang sanaysay. May ilan namang walang magawa sa buhay kaya ayun, nagsulat ng sanaysay tapos pinalaganap niya ito kasi nga, ang sanaysay ay maaaring damdamin lang din ng mananaysay.

                Noong panahon ni Bonifacio,Rizal at marami pang propagandista, ginamit nila ang sanysay para maghayag ng kanilang damdamin, hinaing at mga kalokohang ginagawa ng mga Kastila. Ang El Pasig ay isang patunay ng pahayag na tumutuligsa sa mga Kastila. Maging ang La Solidaridad n gating pambansang Bae na si Rizal.
                 Sa panahon naman ng Amerikano, dumami ang mga edukado. Ito marahil ang rason kaya dumami ang mga mananaysay sa panahong iyon. Tsaka mas may laya namang magpahayag ng dmdamin noong panahon ng mga Amerikano  kumpara noong panahon ng Kastila na kelangan mo pa silang utuin para makalabas ang pinaghirapan mong pahayag.
                May ilan ding kinaharap ang pagsasanaysay sa Pilipinas. Wala naman kasing perpekto sa mundo. Nariyan na ang bais na pagbabahagi ng balita na gumugulo sa Pilipino kung ano nga ba ang nangyari sa paligid. Meron din tayong problema sa mga literature na hindi maintindihan ng makabagong henerasyon dahil sa modern na nga tayo ngayon at hindi na natin inabutan ang mga sinautang literaturang ito. Marami pang ibang bagay ang kinakaharap ng pagsasanaysay sa Pilipinas pero ito ang dalawang popular na isyu.
                 Sa mundo ngayon, lahat naman yata ay may mga pagkakaiba. Katulad nalang ng asin at asukal, aso at pusa, pogi sa may pera, at ang pormal na sanaysay sa imporaml na sanaysay.
                Ang pormal na sanaysay ay kialala din sa tawag na Maanyo. Ito ay sanaysay na bunga ng pananaliksik at mayroong pagpapahalaga sa mga nakalap na datos, ito ay sabi ni Genoveva Edroza-Matute. For short, ito ay humihingi ng masining na pag-oorganisa ng datos, malinaw, lohikal at kapanipaniwalang pagpapaliwanag at kritikal o analisis.
                Pero iba ang impormal o personal na sanaysay. Ito kasi ay nagbibigay ng kalayaan sa mga mananaysay sa pagkatha bataysa kanyang karanasan at kung paano niya isinasabuhay ang karanasang ito. Tinawag din ito ni Matute na Palagayan.
                Kung hindi nga lang malaya ang pagsusulat ng malikhaing sanaysay e baka konti lang ang magagawang malikhaing sanaysay sa Pilipinas. Magpapahayag ka lang ng trip mo tapos isusulat mo lang and … whalaah! May malikhaing sanaysay ka na. Madali lang naman kasing magsulat nito. Basta ba nasa mood kang manggawa. Gaya nung sabi ni Bienvenido Lumbera na nabanggit ko sa isang paragraph na ang mananaysay ay sinumang may gustong sabihin sa kanyang kapwa Pilipino at may kakayahang hubugin ang wika upang maintindihan nito ang gustong sabihin.
                Parang tubig ang sanaysay, malaya lang. sumusunod sa daloy ng buhay at kung ano mang korte ang paglalagyan nito, gagayahin lang ng tubig ang hugis dahil ito ay maluwag at maangkop (flexible). Dagdag pa ni Lee Gutkind, kinakailangang may pagsasabuhay at pakikipamuhay sa reyalidad ng sinulat; pananaliksik sa napiling paksa; pagninilay-nilay sa nakalap na datos;pagbabasa ng mga tekstong makatutulong sa pagsusulat; at ang mismong akto ng pagsusulat.
                Sa kabilang banda, sabi naman ni Philip Gerard, una daw ay dapat meron itong malinaw (apparent) na subjek at isang malalim na subjek. Ikalawa, dapat ay sumusunod ito sa katangian ng paksa sa peryodismona napapanahon (timeless). Pangatlo, nagsasalaysay ito ng kwento gamit ang ekstraktura ng maikling kwento. Pang-apat, isa itong pagmumuni-muni ng may akda. At panghuli, pinapahalagahan nito ang sining ng pagsulat.
                Sa panahon ngayon, nakakatamad na ang magsulat ‘di ba? Pero salamat sa makabagong teknolohiya. Ito na ang sagot sa mga tamad na writer. Ito ang “blog”. Ito ang makabagong paggawa ng talaarawan o dyornal na mababasa mo na lang sa internet. Ditto inilalabas ng may akda ang kanyang kuro-kuro, pananaw sa buhay, kalokohan at maging ang kalandian.aba malay mo, sumikat ang blog mo kaya kung ako sa’yo, guamaw ka na rin ngsarili mong blog sa social media. Bukod sa madaling gamitin ang blog, malaki ang chance mo na sumikat ka dito.



https://www.scribd.com/doc/47595681/ANG-SANAYSAY
https://tl.wikipedia.org/wiki/Sanaysay
https://tl.wikipedia.org/wiki/Panitikan_sa_Pilipinas
http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2012/08/ano-ang-sanaysay.html